2 Các câu trả lời
Naglalaway, iritable at low grade fever po ang mga normal symptoms ng teething. Yung sipon, ubo and/ or pagtatae ay HINDI po dahil sa pag-iipin dahil nakukuha po ang mga yun sa mga viruses, germs o bacteria. Kapag nag-iipin po kasi si baby nangangati ang gums nya at may tendency na magsubo at ngatngat ng kanyang kamay o kung ano man ang madampot nya, at doon sya nakakakuha ng sakit. Make sure po lagi malinis kamay ni baby at mga toys nya, huwag hayaan magsubo ng kung anu-ano para maiwasan ang sakit. Tulad nga po ng findings sa hospital gastritis and gastroenteritis ang meron si baby, and it's not caused by teething.
hello mii, yung 10 month old ko po na baby nung nagpapangipin po sya nagsusuka din po yung effect ng teething sa kanya. pinacheck up ko po sa pedia nya niresetahan po sya ng Vometa for baby (may prescribe ml po para sa weight ni baby) at electrolyte for baby. 1 week po sya nagsusuka ,nung tuluyan na po lumabas ngipin nya nawala po kusa yung pagsusuka nya. as in lahat po ng kinakain nya at dede sinusuka po nya.