itchy skin?
Sino po katulad ko na nakakaranas ng pangangati ng buong katawan? Sobrang kati kasi ng katawan ko . dami ko na ngang sugat sa katawan dahil sa kakakamot. Ngayong kabuwan ko lang ako nagka ganto . normal lang po ba ito? Ano po dapat Kong gawin para mabawasan ang pangangati ng katawan ko?
Ako sa gitna lang Ng boobies nung nakaraan. Pero nagka okay na din po kuskosin lng maige at wag hayaang mapawisan. Normal po Yan. Gawa ng hormones natin nagaadjust.
Ganyan dn ako mommy nagrashes p nga eh.. pinabayaan ko lng.. Ligo lng ako ng ligo tapos pag d ko na kaya init nag aircon kc prang pag mainit lalo xa nangangati..
Pwedeng allergy pero pwede din kasi nababanat yung balat kaya makati. Pag nakakaramdam ako ng kati nilalagyan ko agad lotion para lumambot balat pag nababanat
Ako din po.. kagabi ung legs pero sinabunan ko nlng sabay banlaw Last month ung sa dede at sa tiyan ko pero d ako nagkakamot :) 25weeks preggy here :)
Mild soap gamitin mo momsh. Caladryl lotion yung pinagamit sakin ng ob ko nun ng nagkaron ako ng parang mga bungang araw sa legs.
Aq dati bago manganak nagka rashes aq sobrang kati. Baking soda pinang pupulbos mo para mkabawas ng itchiness.
Same sis. Makati buong katawan ko lalo Na pag ma init. Kaya ginagawa ko bago matulog nag hahalf bath ako
same here sis sobrang kati.. kahit anong lotion na ginamit ko.. pero ganun padin ung sa tummy ko
Boobs tsaka legs lang po. Moisturizing lotion tsaka Johnsons baby bath nakaka ease ng kati.
Ganyan din ako mommy dko alam kung pwede gawin dami kona run sugat ang pangit na tingnan