wanted manghihilot

Sino po may kakilalang manghihilot around las piñas po. Hindi ko po kasi alam na bawal sa buntis ang paglalampaso. Nasubrahan po kasi ako sa kasipagan pinapakintab ko po ang sahig namin, nung patapos na ako sumakit po likod ko akala ko napagod lang ako, kaso nung umihi ako masakit po puson ko yung sakit na parang rereglahin na hanggang gabi po masakit pati na din po balakang ko nasakit. Kinwento ko sa ate ko ang nangyari pinagmumura nya po ako, gusto ko ba daw patayin anak ko...hndi ko po alam ano sinasabi nya,ayon nga daw nakakalaglag nga daw ng baby ang paglalampaso. Iyak na po ako ng iyak hndi na dahil sa sakit. Wala po kasi mahanap na manghihilot para ipaakyat daw 14 weeks na po akung buntis possibly daw na malaglag po talaga. Please sana may alam po kayo.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời