Miscarriage

Sino po dito yung nagkaroon ng miscarriage, tanong ko lang po ano po yung mga naramdaman niyo nung nakunan kayo? like nagkaroon po ba kayo ng heavy bleeding with clots? Ilang weeks po tumagal?

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Matapos ang isang miscarriage, karaniwan ay maraming kababaihan ang nakakaranas ng panghihinayang, lungkot, pangamba, at pagkalungkot. Maaari ring makaranas ng physical symptoms tulad ng heavy vaginal bleeding na may clots, abdominal cramping, at pagbabago sa dami ng dugo. Ang haba ng panahon ng panganganak ng miscarriage ay maaaring mag-iba sa bawat babae, depende sa ilang mga kadahilanan tulad ng ilang linggo ng pagbubuntis at kalusugan ng babae bago, habang, at matapos ang pangyayari. Maaring humantong sa iyo ang mga damdamin at reaksyon mo patungkol sa pangyayaring ito, at importante ring may pagpapahinga at suporta sa mga oras na ito. Kung kinakailangan ng karagdagang impormasyon o suporta kaugnay sa miscarriage, maaaring makatulong ang pag-uusap sa iyong doktor, counselor, o support group para sa mga magulang na nakaranas ng miscarriage. Ang pagkakaroon ng tamang kaalaman at suporta ay makatutulong sa pagtugon sa iyong mga emosyon at pangangailangan sa oras na ito. https://invl.io/cll7hw5

Đọc thêm

I was 8 weeks pregnant that time. Light spotting lang nung una halos 3 days. Wala akong naramdamang sakit until 3rd day, masakit yung puson ko pero tolerable nmn yung pain pero mararamdaman mo talagang may sakit. Mukha na rin akong may mens kasi medjo marami na yung blood until nag morning. Iyak lang ako ng iyak tapos nagpipray na sana maging okay ang lahat. Then I go to work na may bleeding pa rin. Tapos nung umihi na ako, may patak2 na kulay pink then all of a sudden, may biglang lumabas na parang malaking clot. Hindi sya masakit. Kinuha ko yung clot and nilagay sa wipes. I immediately call my ob, pumunta dun and nagtransv. Chineck nya baka maisasalba pa or meron pang heartbeat pero wala na. Buti na lang daw ay complete abortion yun at walang natira sa loob kahit konti kasi kung meron daw, raspa yung gagawin. Hahay. One of the saddest moment of my life.

Đọc thêm

7 weeks pregnant nung nakunan ako hindi ko alam na buntis ako, no pain just light spotting akala ko nga regla lang pero duda ako kaya nag pt ako so positive buntis sabi sakin normal spotting lang kasi konti lang pero nung nag ultrasound na wala na pala yung baby kalat kalat na yung dugo, 6 days before ako ma raspa konti lang talaga ang bleeding pero nung ika 6 days na kaka IE sakin dumadami na lumalabas na dugo sakin tapos may ginawa yung doctor para mas lalong lumabas yung mga dugo hanggang sa may blood clot na. no pain naman

Đọc thêm

nagpa ER ako at inultrasound kung may natira sa loob ng matres. may pinainom na gamot para lahat mailabas. kapag di mo kasi nailabas yung residue ng conception pwede kang magkainfection, lalagnatin ka at may foul smell yung discharge. 1 week lang sakin, 1-3 days heavy bleeding hanggang sa humina

Nong ako 7 months na tiyan ko non, nawalan siya ng heartbeat, ang naramdaman ko lang, tumigas ang tiyan ko ng matagal, sobrang tigas niya halos hirap na akong makalakad, first tym mom din aq non kaya diko alam ang nangyayari, akala ko normal lang.

8 weeks ako spotting lang nung una walang kahit na anong pain ang naobserve ko lang from dark brown na spotting nag light pink spotting ko pero sobrang konti lang pag check wala nang hb si baby.

Last december 2023 nakunan ako, yes po para kang dinidysmenorrhea tapos may nalabas na buo buo