Just moms
Hi sino po dito yung kapareho ko na may anak sa bf ngayon pero si bf may anak na sa ex niya? 10y/o anak niya sa ex, at 2mos old baby namin. 2014 nagstart relationship namin ni bf. Way back 2016 nagsimulang lumayo loob q sa anak niya dahil nakita q katigasan ng ulo. Masyado nilang binaby dahil minsan lang nasakanila yung bata.. ultimo pagtatali ng sintas c bf gagawa, pag kumakain isa o dalawang subo lang hahayaan nila kasi nagmamaktol na yung bata dahil ayaw na kumain, di nila pinagagawa ng gawaing bahay na maski pinagkainan niya mismo di niya maligpit.. pag nagmaktol na yung bata ibibigay nila yung gusto. Si bf kahit di pa q buntis e sinasabi na sakin na gusto nia qng pakasalan.. wala pa nga lang means dahil gusto nia ibigay ung church wedding na pangarap namin pareho. Ngayon hindi q alam kung kaya q na ikasal kami e may issues aq sa anak niya at paminsan sa mama niya. Di ko alam kung dapat ko pa bang ituloy tong relationship namin e gusto q kami lang ni baby magkasama (pero mabuting tao c bf) kahit di q alam pano q matataguyod c baby, dahil mahirap magtrabaho lalo baby pa xa. Please I need advice. Thank you.