malikot si baby
Sino po dito ung katulad ko na sobrang likot ni baby sa tummy niya Ung tipong kinakausap mo na siya na wag sobrang likot kasi ihi ka ng ihi??
Same po momsh😄 25weeks, kala mo may karambola na sa loob ng tummy😂 pro okey lng bsta nagalaw sya mas gusto ko, worried ako pag dq sya nafefeel😊
Saakin kapagsumipa pati ako sumasama parang may galit lagi pwede naman dahan dahan lang gusto nyo yung biglang sipa talaga na malakas
Same here mommy..ganyan din sken di ako nakakatulog dahil sa likot niya tapos kapag kinakausap mo lalo siya nagpapabibo 😂😂😂
Same lang sakin mga moms. Lalo nakahiga na kmi. Minsan kinakausap sya ni daddy ya lalo lumilikot nakakatuwa nga.eh😄
Same.. Di namin malaman ano ginagawa sa loob nag martial arts ata 😂😂😂 lage naman kinaka usap ang sakit kasi gumalaw...
Ganyan na ganyan c baby ko sa loob ng tiyan ko nun preggy pa ko.. pati naun nasa labas na sya panay sipa susme
35 weeks sobrang likot 😅 hindi ka makakatulog sa kalikutan niya kasi medyo masakit na ung galaw niya 😅
Same sis. Going 5 month ako nung nag start haha.. 8 months na ako in a wrek mas malikot na siya now hahaha
Ilang weeks po bago maramdaman gumagalaw si baby. Excited to feel na eh. HEHEH. 14 WEEKS AND 3 DAYS na me.
Ako !! 👐👐 sobra, halas madaling araw kulang nlng makapag isip2 ako na sa cr nlng matulog .. 😂😂