17 Các câu trả lời
may 10 duedate ko, pero balak ko antayin nlang sumakit yung tiyan ko bago magfile ng maternity leave since walking distance at 5 mins. away lang nman bahay nmin sa work ko at hospital. Sayang kasi yung araw na itatambay ko sa bahay, papasok nlang ako para may pandagdag pa sa panggastos paglabas ni baby. 😊 Ok nman kami ni baby, pero kung di na kakayanin pwede ko nman na ifile by 3rd week ng april.
Ako mi pinag leave na, two times na kasing humapdi tyan ko sa acid. April 18 start sana ng leave ko kaya lang ngayon pinag indifinite leave nako, baka kasi kung ano pang mangyari kay baby. Pero kung gusto mo pa mag work go lang kung hindi ka napapagod ng sobra., ako kung wala lang nangyari sakin papasok pa ko, kaya lang iniisip ko rin si baby sa loob.
Ako mi. Kakaleave ko lang. Titser ako sa public. Masyado pa kasi maaga pa sa mat. Leave. Kaya sinuggest sakin. Mag sick leave ako. 5 days. Tapos 11 days bawas sweldo. April 11- July 24 ang mat. Leave ko. Kasi mataas bp ko. 32 weeks na ako. Kaya humingi ako med. Cert. sa OB ko. Tapos binigay ko sa office.
Meee! I'm still teaching po pero may leave form na ko and anytime before my due date pwede na ko magleave kasi nakapagfile naman na ko. 27 weeks na ko right now, so far kaya pa naman kaya di pa naglileave but you can ask your OB kung kailangan mo na magleave especially if maselan si baby.
Ako po May 28 ang edd, working pa rin po hanggang ngayon. Pero pag masama pakiramdam ko at pagod ako kumilos nagssickleave na lang ako. Masyado pa po kasi maaga para gamitin ang maternity leave. Kung high risk ka po hingi ka muna kay OB ng medcert para makapagsickleave ka.
Still working po,kaya pa nman medyo bumagal lang talaga ako kumilos ngaun sobrang galaw na kasi ni baby tapos mabigat na din.magpafile ako ng leave by 1st week of May.Goodluck satin mga mommy,galingan po naten umiri.Sobrang excited na po ako. 🙂
dahil high risk ako, heto nka leave n since January pa. kung hindi ka nmn high risk, better pag lumabas nlng c baby. para igugol mo lhat ng leave credits after delivery. so ur body will recuperate and bond with the baby
hnd naman maselan panganganak ko, balak ko katapusan ng April or kung kakayanin pa, hanggang 1st week ng May. Mas gusto ko kasi nag kikilos at ma bored lang kasi ako sa bahay pag nag stay.😊
same mamsh.
Me mommy! May din ako then balak ko 2nd week ng april. Pero depende naman sa pagbubuntis mo kung maselan. Eh wfh naman ako so okay lang sa akin, ikaw mi kung kaya mo naman go lang 😇
ako nag leave na today. mula kasi nung mabuntis ako sakay motor at tricycle transpo ko. ngayon lumalaki na tummy ko medyo nahihirapan nako sumakay haha
Anonymous