Cavite Hospital
Hello! Sino po dito mga taga Bacoor cavite? Baka alam po ninyo kung magkano po ang range ng panganganak sa mga hospital dito, like SAMC, Molinl doctors, South City, St dominic? Thankyou!
Taga Bahayang Pag Asa po ako boundary ng bacoor at imus. nung wala pang covid di pa naglalockdown sa SAMC po ako nagpapacheck up around 60K yung package ng normal delivery yun ang estimate na sinabi sakin nung ob ko. pero nung maglockdown na Di na kami nagtuloy ng check up dun sa SAMC kasi naconfirm ko may naka admit na covid patient so natakot kami ni hubby at isa pa bawal na tumawid yung nasa imus side papuntang molino bacoor kasi nga ang taas ng covid cases sa bacoor. So ang ending nung 6 months na tyan ko nag lying in kami. mas practical kasi naconfirm ko din na sa mga private hospital like SAMC nakacharge din sa pasyente yung mga PPE, Facemask, alcohol etc... na lalong nagpapalaki ng bill. Sa Lying in nanganak ako na ako lang ang pasyente nung araw na yun. tapos bill namin inabot ng 15K.. di ko nagamit philhealth ko dyan kasi nga may anumalya sa philhealth sinasabi nila kulang daw ako hulog pero kumpleto naman binulsa lang talaga ng mga opisyal ng philhealth kaya walang pondo. Pero kung ok si philhealth ko at dun ako sa lying in nagpapacheck up from the start ng pagbubuntis ko wala sana ako babayaran sa lying in yung birth cert lang babayaran ko.. so mas praktikal talaga sana nung una pa lang dun na ko nagpacheck up sa lying in ok din naman kasi naglelabor ako naka netflix ako tas aircon pa room dun sa lying in kung san ako nanganak..
Đọc thêmFormer staff nurse ako ng SAMC mommy, mahal po dun. Normal delivery ranging 50-60k, CS 70-80k. +20k pag wala po philhealth. Sa binakayan naman po ako nanganak, 52k+ lang po binayaran namin, bill na namin ni baby yun. 😊
depende po mommy sa OB mo.
south city po normal delivery nabayaran ko po nasa 82k less philhealth..mahal dahil sa pandemic :( pero grateful pa rin dahil safe si baby at ok din sa south city since walang gaano tao at less expose
first name nya starts with letter A at last name nya starts with letter F
Molino doctors hospital - 40 to 55k ang normal, 100 to 110k ang cs. Yan ang quote sakin ng ob. Medyo may kamahalan ngayon due to pandemic. Kasama sa babayaran yung PPE ng mga doctors.
Thank you po. Nagmahal daw talaga dahil sa pandemic. :(
Ako taga bacoor din, pero sa nueva ecija ako manganganak. Mahal kasi dito satin eh. Cs ako, nagtanong kami magkano sa Nueva ecija 20k lang less na philhealth.
Mahal po pare preho jan kasi alam ko puro private hospital po yan. Taga bacoor ako. Di lang ako sure mgkno estimate expenses sa panganganak.
Salamat po. Nagmahal daw po kasi lako ngayon dahil sa pandemic :(
Taga imus bayan luma ako pero Bacoor cavite ako manganak Lying in 2k lang babayaran pag may philhealth ka .
Lying in po sa imus 5-7k if may philhealth then pag walang philhealth 10-15k :)
Imus Family Hospital po mejo mura, dun ako manganganak, currently at 38 weeks.
Mgkno po rates bngay sayo mommu
Cavite din po ako.. yong ob ko sa south city naka duty..mahal pala dun..
mamsh, ang alam ko pag normal delivery 60k-80k..pag cs 100k-130k po.