Pwede ba magpagupit ang buntis? (Pamahiin)

Gusto ko sanang magtanong kung sino dito ang natry nang magpagupit ng buhok habang buntis? May narinig kasi akong pamahiin na bawal magpagupit ang buntis dahil may koneksyon daw ito sa baby, tulad ng maagang panganganak. Nahihirapan akong magdesisyon kung susunod ako o hindi, kasi sobrang haba na ng buhok ko at nagfafalling hair na rin ako. By the way, I'm 4 months pregnant! Salamat sa mga makakasagot!

115 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi po totoo un, myth lang po mommy. Ako po eh nagpagupit ng buhok nung 5 months na tyan ko mainit po kasi at so far ok naman po kami ni baby 34 weeks and 1 day na tummy ko.

Mahaba din buhok ko pero ginupitan ko para di sya lalong humaba pag nanganak na ako. Sakto lang ang ihaba nya sa kabuwanan ko. Depende sayo kung maniwala ka sa mga haka2.

Thành viên VIP

Not true, pamahiin lang po yun. Sa panganay ko nagpagupit ako mga 5 months tiyan ko kasi hanggang bewang buhok ko, ngayon sa second baby ko ako lang nagupit sa sarili ko.

Thành viên VIP

Myth lang 'yon mamsh hindi po connected ang buhok natin sa sinapupunan at kabuwanan. Go po dahil hassle din kaapg mahaba ang hair lalo ung breastfeeding ang gagawin mo

Thành viên VIP

Not true. Kung may Diyos ka, siya lang makapangyarihan sa lahat at hindi yung pamahiin. Ako ginupitan ko buhok ko habang naliligo ako. 2nd tri ko nun. Wala lang trip ko lang.

6y trước

Ano po religon mo?

Wla nman pong effect or connection sa pagbubuntis ang pagpapagupit po. Ako ngpagupit ako before manganak pra hndi hassle ang mahabang buhok pag my baby na.

Ako nagpagupit ako kahit hanggang balikat lang buhok ko kc subrang init na init ako 😂😂 6month pa tiyan ko nong nagpa gupit ako..now 7months na ☺

Ako nagpagupit po ako nung 3 months palang tyan ko. 35 weeks nako ngayon. Ang bawal lang naman daw mga color or treatment na gagamit ng chemicals

Thành viên VIP

Hindi po totoo yan momsh. Yan din sabi nila sa akin pero nagpagupit ako.. Wala namang nangyring kakaiba sa akin sa pagbubuntis at panganganak ko.

Nagpagupit ako momsh from very long hair to very short hair. hehehehe... first time ko magpagupit ng maiksi nun pero ok na ok nman c baby ko.