Ako momshie maselan po magbuntis sa 2 kids ko. Working po ako before and also laging commute everyday, ayaw ko pa ng naka AC na bus pero walang choice kasi mainit naman. I always bring Eficascent Oil and Katinko kapag nahihilo ako, naglalagay ako palagi sa sentido ko. Then soundtrip para ma divert ung attention ko pag naiisip kong nasusuka ako, pero pag walang choice at di mapigilan, may dala din ako plastic sa bag in case I need to vomit. May dala din akong biscuits, water, candies at gamot (Biogesic) everyday. May vicks inhaler din ako para aamuyin ko ng saglit lang in case sukang suka at hilong hilo na talaga ako.
Đọc thêm