Better po kung magpapacheck up na kayo agad. Supposedly, December 17 yung EDD ko pero nanganak ako last November 16. I thought yung pagsakit ng puson ko na nakatugon sa balakang eh dahil lang constipated ako or hindi maka poop, no’n pala early labor na. November 14-15 sumasakit-sakit na yung puson ko, parang period cramps. November 16, 1am nagising ako sumasakit yung puson ko na tagos hanggang balakang(tolerable pa yung sakit nito), ’kala ko na p-poop lang ako kaya pumunta ako ng CR, naka tatlong pabalik-balik ako ng CR kaya ’kala ko umokay na yung tyan ko(pero days before ako manganak dumalas talaga yung pagpunta ko ng CR) and nakatulog pa nga ako ng isang oras. Around 6:30 nagising ako sa sobrang sakit ng puson na tugon hanggang balakang, this time umiiyak na talaga ako sa sakit pero hindi ko pa rin ine-expect na nag l-labor na pala ako. Nagtiis pa ako ng 1 hour bago ko sabihin kay mama na hindi ko na kaya yung sakit. Nung pagkapunta namin sa ospital 9cm na ’ko🥹 (pag may lumabas nang mucus plug ’wag talaga balewalain kahit ang sabi ng iba na nag r-regenerate rin ’yon)
Đọc thêm