Umbilical Hernia
Sino din po dito ang may "umbilical hernia" si LO? Ano po ginagawa nyo para gumaling o bumalik sa normal ang pusod ni baby? Based kasi sa napagtanungan namin kusa syang nagaling habang nalaki si baby or if ever na hindi wait nalang 'til mag 4-5 y/o sya para makapagperform ng surgery. Thanks sa magcshare. ☺
Hi mommy. My son had umbilical hernia at 2 months nya. Nawala din sya eventually nung 4 months na sya. Premmie ba baby mo? Ung baby ko kasi premmie. Di pa well-developed ung muscles nya sa may tyan area kaya nag-open. Grabe kasi magstretching si baby kaya ayon nagkahernia. 4 to 5 months, nagmamatura na ung abdominal muscles nila, pumapasok kusa. Consult your baby's pedia mommy para mas sure ka.
Đọc thêmGanyan din si LO ko during his 1st to 2nd months. Nawala din a week before sya mag 3rd month. Wag niyo hayaang umiyak ng umiyak c baby. Pag umiire siya, talagang lumalabas lalo. Kusa din babalik yan. Pra panatag kayo, lagyan nyo ng baby binder mommy. :)
Pag umiiri sya lalong bumubural. Kaya ang ginagawa ko yung diaper nakasagad sa pusod nya, parang nakapigil sa pag bural. Yung baby ko ngayon hindi na ganyan, magaling na from hernia. 😊
Ganyan din sa pamangkin ko. Wag lang masyado paiyakin kasi lumalaki talaga. Umiimpis naman. Now 1 year old na sya di naman meron pa din pero di na gaano nakausli
Lagyan mo ng piso pusod nia or kahit ano na bilog na pwd itakip sa pusod nia,then lagyan mo tape para hindi malaglag yung coin saka mo lagyan ng bigkis.
Unhygienic naman nyan
Ang ginawa po nila sa baby ko nilagay nila sa cotton ung piso tapos nilagay sa bigkis 🙂 helpful naman mommyy 🙂
Ganyan din baby ko dati hinayaan lang namin bumalik naman sa dati at nag flat sya
Ganyan itsura nung sa baby ko.
Mommy of Zion