21 Các câu trả lời
ako diabetic din. pero tuloy tuloy vitamins ko since 7 weeks preggy. obimin, calciumade, ferrous, sodium ascorbate. tapos nagdagdagan pa ng mga tinitake na gamot since nag faflactuate ang bp ko. methyldopa and aspirin. im on my 36weeks now 2.5kg na si baby. di naman siya lumaki ng sobra sobra. dahil umiwas naman ako sa mga sweets at mga malalamig na matamis like ice cream, coke, milktea, frappes and shakes. nasa pagkain lang kasi talaga ng matatamis at sobrang sasarap ang paglaki ni baby sa loob. di nakakaapekto ang pagtake ng vitamins sa paglaki ni baby. ang inaadvice pa nga ng mga ob kapag ganyan na diabetic ang mommy e mas magtake ng vitamins para iwas complications na din at para sa development ni baby.
ituloy nyo po mii yung vitamins nyo. para po sa development ni baby yan and hindi sya magka complications. kung maari po magpatingin kayo sa endocrinologist o ituloy nyo yung medication nyo sa diabetes(if approved sa mga buntis, ask your ob/endo) limit po ng intake ng carbs. ang advise po sakin ng endo and ob ko take small frequent meals na mababa sa carbs para di masyado lumaki si baby. iwas sa chocolates at matatamis, be it drinks or food. Naging ok naman po si baby at di sya masyado lumaki nung pinanganak ko, disiplina lang din po sa pagkain ang kailangan natin para di masyado tumaas ang sugar
mii i think mas makakaapekto yung pagkain ng mga sweets sa paglaki ni baby kaysa sa pagtake po ng vitamins. kaya if concern nyo po is yung paglaki ni baby, yung diet nyo po ang kailangan nyong iwatch out. yung vitamins po kasi tinitake po yan para makuha ng katawan natin, and in effect ni baby din, yung sapat na nutrition para sa pagbubuntis natin at pagdevelop ng mga body parts and organs ni baby. double check nyo nalang po with your OB if may pampagana sa mga vitamins na tinitake nyo and if may mabigay sya na alternative if ever.
hi momsh mas maigi pong humingi kayo ng advice sa ob nyo lalo na diabetic pa kayo para mabigyan kayo ng peace of mind. Yung ganyang klaseng tanong po kasi tanging expert lang po makakasgot kung kami po tatanungin nyo shempre iba iba dahil magkakaiba nmn po ang pagbubuntis. Hanggat maaga mag pa check up na po kayo kasi kayo rin mahihirapan pag ka buwanan nyo na isaalang alang nyo rin po hindi lang yung health nyong 2 ni baby baka mapagastos pa kayo ng grabe sa ospital pag nagka komplikasyon pa kayo.
salamaat po
Hindi naman mii, nung 25 weeks si baby ay 26 weeks naging size niya dahil medyo lumakas ako kumain, araw araw ako nagtake ng vitamins, but nung 4 mons tummy ko nagsskip ako ng calcium kasi nakakalaki daw, kaso tingin ko based sa baby ko, hindi naman po, based sa diet talaga natin 😇 mas takot ako na maunderdevelop si baby pag walang vitamins.
ganyan rin sabi sakin ng mga matatanda dito nung buntis ako. kahit hindi raw magvitamins dahil tataba si baby. pero di naman totoo sabi ng OB ko. di lang kasi siguro ganun kauso nung panahon nila. nagvitamins ako all throughout my pregnancy, pero di naman ako naging diabetic. ask mo lang OB mo if worried ka para mawala rin yang pag-aalala mo momsh.
same sa mil ko. ayaw ako pag vitamins dahil daw "processed" na yon and gastos lang ang monthly check up. instead vegetables and fruits nalang daw. di ako pumayag, pinipit ko si hubby ko na mag pacheck up parin ako monthly and take vitamins. hindi kasi uso noon kaya ganyan din pinagagawa sa iba. luckily iba na panahon ngayon at mas madami na ang naniniwala sa mga ob and science.
ituloy niyo lang po ang vitamins tsaka inform niyo lagi ob niyo na may diabetes kayo para maresetahan kayo ng vitamins na pwede sa inyo. mag diet na rin kayo kung alanganin kayo na baka lumaki si baby konting kanin lang po tas merienda nlang kayo ng tinapay. iwas din or konti lang kainin niyong matatamis.
mi makasarili ka kasi hindi lang naman para sayo yang vitamins. mas mahihirapan ka paglabas ni baby dahil baka magkaron ng komplolikasyon pati sya dahil hindi ka nag take ng vitamins na kelangan at libre lang sa center. 2 kayong magsusuffer
Hindi ka niya binully maam gusto lang niya maging aware ka sa mga ginagawa mo kung gusto mong maging healthy ang baby at ikaw lalo na kamo may diabetic genes pa kayo advice lang po ito 🫶
Haaa? Kanino mo nalaman na nakakalaki ng baby ang prenatal vitamins? Diabetic ka na nga tapos yung vitamins na kailangan ng baby mo ipagkakait mo pa. Abay eh di mas lalo napasama anak mo niyan. Baka makuha niya pa Diabetes mo.
ah grabi nmn ung maka sarili mi . hindi nmn sa makasarili iniisip ko rin yan pra sa bby ko . hmm grabi namn sa makasarili ... hahaha sino nmn gusto daw gnyan ang akin lang is baka mag laki na ung bby ko lalot may diabtec ako .
Gloryfemae Nastor Gomez