Kinailangan ko pa tumingin sa account mo for previous posts para magets ko.
Wag na po kayo mag habol (kahit sustento) at mag post pa lalo na kung wala talaga siyang balak akuin yung anak mo.
Baka ang hanap niya lang nung mga panahon na yun ay ligaya kaso nabuntis ka.
Mas maganda magconcentrate na lang po kayo sa sarili at anak niyo. For peace of mind niyo na rin.
Tsaka Mas maganda siguro kung wala na lang alam yung anak niyo tungkol sa tatay niya.
Kawawa rin ang anak niyo kapag lumaki sa ganyang environment na hinahabol niyo tatay at itinatanggi siya na anak, masasaktan po anak niyo.
Baka i-question pa niya yung worth niya bilang anak, bakit ayaw sakaniya ng tatay niya? Ano ba ginawa niya para kaayawan siya ng tatay niya? At worse baka isipin pa ng bata sana hindi na lang pinanganak ng walang tatay or hindi na lang siya ipinanganak in general.
Wag na po.
Bilang ina dapat iiwas natin yung anak natin sa stress.
Para maging maayos yung emotional at mental development ng anak natin.
Wag niyo na po ipost yung tatay ng anak niyo.
Wag narin kayo magtago ng litrato niya.
Hayaan niyo na po siya.
Kalimutan niyo na po siya.
Maging masaya na po kayo na kayo lang ng anak mo.
Hindi kailangan ng anak mo ng tatay na ayaw sakaniya.
Ikaw at ang pagmamahal mo sa anak mo sapat na.
Đọc thêm