binubugbog ng tatay

simula bata kami nakakaranas na kami ng bigat ng kamay ng tatay ko lalo na yung tulis ng bunganga niya, meron pang college na ate ko noon pero binubugbog pa rin siya yung nanay naman namin nasa ibang bansa. Hanggang sa nabuntis ako I'm 16weeks pregnant akala ko makakaligtas nako sa pangmamaltrato ng tatay ko, akala ko na alam niyang buntis ako iiwasan na niyang mastress ako, ganun pa rin pala. Noong 3months ako sinaktan ako ni papa na halos mahimatay ako sa sakit at pag iyak sobra akong nag worry sa baby ko non thank God normal siya umalis ako sa bahay at pumunta ako sa partner ko (Caloocan-Taguig) pero isang araw pa lang ako doon chat na ng chat si papa na uwi na daw ako dahil may iniinda daw siyang sakit umuwi agad ako non kahit ayaw nako pabalikin ng partner ko dito sa bahay kasi nga baka masaktan ulit ako ni papa. Nung pag uwi ko malakas naman siya at nagsimula nang mag salita ng kung ano ano. Nilunok ko yung mga sinasabi niya everytime na nagdadaldal siya kasi ayoko na ng gulo. (I'm 16weeks btw) Mahirap sa isang buntis na may ganitong environment. Walanf peace of mind and puro stress. hanggang sa kagabi napuno na ako halos patayin niya ako sa mga salita niya, nasagot ko siya ng pasigaw, sinugod niya ako at binugbog paggising ko ang iitim na ng mga pasa ko kinukuha ako ng partner ko pero ayoko pumunta sakanila kasi hindi ako nakakakilos ng maayos although okay naman pakitungo nila sakin pero iba pa rin kasi talaga pag nasa bahay. Di rin kami makapagbukod kasi nag iipon pa kami. Di ko na alam ano gagawin ko pinipigilan kong mastress at nanonood ako ng mga vlog. Kapit ka lang dyan baby ko ha. Palakasin mo lang lagi loob ni mami. 😔❤️ Ps. Please respect my post gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob #1stimemom #pregnancy

2 Các câu trả lời

totoo po. dun po muna kayo sa bahay ng partner niyo. hindi po maganda at toxic po ang relationship niyo sa parents niyo. kung stressed si mommy, stressed rin si baby. maaring mag karon ng behavioral problem si baby pag tagal kasi during development ay stressed po kayo. isipin niyo nalang po yung bata. also share ko lang po itong youtube video. panoorin niyo po at sana makatulong sainyo ievaluate ang relasyon niyo po sa mga magulang ninyo. https://youtu.be/4EqbuAlrilQ

Momshiiee dun ka na lang muna sa bahay ng partner mo, kasi sabi mo okay naman pakitungo nila sa iyo Wag mo na muna isipin yung hindi ka makakilos dun at mas magandang nasa bahay niyo Kasi mas toxic dun sa inyo kesa sa bahay ni partner mo Compared sa jan ka nga sa bahay niyo, pero sinasaktan ka naman verbally (words) at physically (bugbog) ng mga kapamilya mo..

Câu hỏi phổ biến