Cord Accident happened to my supposed to be first baby! (2019)
Sharing you what happened to my first baby! Inanak ko sya normal Sept. 11, 2019, pero September 9, 2019 pa lang naka-admit na ako kasi wala na syang heartbeat, now ko lang ito ippost for the awareness, baka lang sakali makatulong. Na notice ko sya 8months, isang araw di na sya gumalaw, medyo nag-isip na ako and nag-ask na sa ka-work and dito sa apps to know if normal lang bang hinde nagalaw si Baby. Then may mga nagsabe na normal lang daw minsan buong araw hinde gumagalaw. pero dahil nag-aalala ako at di talaga sanay na hinde gumagalaw si Baby nag pa heartbeat muna ako, sabe sa Center may heartbeat naman daw si Baby. Then observed ko sya buong araw di pa den gumalaw so nag decide na ako na magpa check-up and ultrasound. First Hospital na pinag ultrasound ko dito sa Calamba, ni-refund yung payment ko kasi sabe nila try ko daw sa ibang hospital kasi sakanila daw walang heartbeat na ma detect pero wag daw ako magpanic, magpa second opinion pa den daw ako. So lumipat ako ng ibang Hospital, then ayun pag ultrasound saken nung OB, sabe nya wala ng heartbeat to, mag pa-admit na nga daw ako. So, fast forward na admit ako sa Pamana, then lahat ng procedure ginawa, hinde ako CS ng OB ko kasi based sakanya wala na naman daw hinahabol na buhay and hinde pa naman daw open cervix and hinde pa naputok ang panubigan ko kaya safe pa den daw ako, hinde daw ako malalason, kasi yun ang worry ng Mama ko and Parents, Relatives namen ng asawa ko. Ang ginawa tinurukan ako ng gamot na pampahilab through dextrose. Then dumaan den ako sa I.E na procedure, ilang beses den akong na I.E. (Saket nya hah) Tapos Wednesday, September 11, 2019 morning sobrang saket na, nag llabour na ako open na cervix pero di pa den naputok ang panubigan ko hanggang sa ipasok na nga ako sa Delivery Room habang hinihintay na pumutok ang panubigan ko. After ilang oras na pag llabour, 3:00pm lumapit na saken yung OB ko and sabe ko nga sobrang saket na, so chineck nya kung ilang CM na ako at yun sabe nya malapit na ako manganak, puputukin na daw nya yung panubigan ko. Tapos parang sinundot nya lang ng needle then naramdaman ko yung parang lobo na may tubig na pumutok. Then after pumutok pinasok na ako sa Operating Room, then siguro dalwang ire, lumabas si Baby, tapos ayun pinicture'an ni Doktora kasi day 1 ko pa lang na ma-admit tinanung ko na sya if ano yung possible cause baket nawala si Baby, so sabe nya pag naianak ko na daw saka namen malalaman kung ano ang dahilan, kasi normal naman daw lahat ng mga tests ko, wala akong infections sa anupaman, kaya sabe ko kay Dok kung pwede paki picture'an si Baby kung ano yung naging cause. Then after ko manganak, ayun sinend nya saken yung dahilan. Ayun nga Cord Accident sya pero Rare kasi diba yung ibang Cord Accident is malimit pumupulupot sa leeg or sa ibang bahagi ng katawan pero yung kay Baby umikot ng umikot hanggang sa mapipi na yung ambilical cord nya dahilan para di na sya ma supplyan ng oxygen and nutrients from me, sa sobrang likot and dahil nga 8months and naka-posisyon na sya ready na lumabas, di na sya nakabalik. Sobrang saket, until now kahit pa mag 3 years na ang nakakalipas. Naniniwala ako na anything happens for a reason, na may magandang plano si God, na kinuha sya ni God kasi need nya ng mga Angel dahil kulang sya ng magbabantay. Then after ilang months nga ayun nagkaron ng Covid, so yun talaga yung pinaniwalaan ko, na kinailangan talaga ni God ng Angel dahil may parating palang Pandemya, naging taga bantay namen sya. Thankyou Lord. ❤️🙏🏻😇 Thankyou Baby Haeven Querubin, hinde ka man namen nakasama physically, napasaya mo pa den sina Mommy and Daddy. Iloveyouuu Baby Haeven, always and forever ka nameng Baby, Panganay, Kuya. Mahal na mahal ka namen Anak ko, hinde ka namen nakakalimutan ng Daddy mo. Masaya ka na dyan sa heaven. 👼🏻🤍😘 ~Isaiah 60:22 #1stimemom #pregnancy #firstbaby
Queen bee of 2 bouncy superhero