Giving Birth Experience

Just sharing my experience. Aug 30 7pm, pumutok panubigan ko 36weeks palang ako and 1cm na. Pumunta ako sa doctor ko and sabi nya maaga pa daw para lumabas sya pero need nang lumabas kasi pumutok na nga panubigan ko. So nagdecide doctor ko na iconfine na ko and within 24hours dapat maglabor na ko and mailabas ko na sya. Aug 31 nang madaling araw, di padin ako naglalabor and still 1cm ako. Nalaman ng doctor ko na kulang ako sa potassium. Kaya ininduce-an ako ng potassium para daw magimprove yung pagdilate ko kaso 24hours na lumipas nag 2cm na ko kaso di pa din ako naglalabor. Buti na lang may tubig pa din si baby and nagdecide si doc na extend pa ng 12hours at induce labor na ko kaso matatapos na ang 12 hours 3cm nako kaso di padin ako naglalabor. kaya nagdecide ako at ang doctor ko nai-CS na lang. Kahit na masakit sakin na di sya manormal basta ligtas ko sya malabas. Meet my new found love. Allyson Olivia, September 1, 2019. 5:53am via CS Delivery. Nagpapasalamat ako kay God kasi di nya kami pinabayaan. And very thankful din ako sa doctor ko kasi ginawa nya lahat para manormal ko si baby kaso di talaga kaya.

Giving Birth Experience
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congratulations po mommy 🤗🤗🤗

Congraaats! 🌼❤️