Emergency CS Experience

Sharing my emergency cs delivery experience with you. 😅 June 8, 10am for follow up checkup ako nun kaya nagpunta na kami sa hosp ni hubby actually nung araw na 'yon, masakit na puson ko pero tolerable di ko naman binigyang pansin since nakakaramdam naman talaga ako nun baka kako false labor lang 8am yun to be exact. Nagising ako sa parang dysmenorrhea feeling para pa nga akong nababalisawsaw nung kinagabihan nun ung feeling na naiihi pero walang lumalabas kaya dedmakels si ateng mo. And then yun, nagtuloy tuloy ung pain sa puson ko di ko alam kung nglalabor na pala ako nun pero since tolerable naman siya wala lang talaga di ko pinansin. 10am papunta na kaming hospital tintrack ko na ung contractions ko, humihilab hilab puson ko at naglalast sya 15seconds every 10mins yun. Ang tagal pa namin naghintay kay OB 12pm na siya dumating, haha! Pero dahil nakachika ko ung secretary nya dun ako daw papaunahin niya since may nararamdaman nakong pain 😅 baka daw kako on labor nako, sabi ko pa nga nun di pa sguro wala pa naman ako dscharge na dugo. Then ayun waiting padin kay OB, nagcr ako ksi nga nababalisawsaw nanaman ako pagpunas ko ng wipes boom bgla akong ngkaroon ng bloody show pero kalmado lang ako na excited haha sbi ko kay hubby "Feeling ko manganganak nako, may dugo na lumabas sakin" hahaha! Pag IE sakin ni OB, 4-5cm nako tinanong nya pako kung papaadmit nako, sympre pumayag nako. Fast forward (3pm,June 8) Pinasok na nila ako sa labor room kinabitan ng dextrose, machine para sa heartbeat ni baby at para sa bp ko. My ob told me na iinduce nila ako since mataas pa si baby, so pumayag ako. Naka-3 shot ako ng pampahilab the pain was unexplainable, sobrang sakit natatae na ewan pakiramdam ko. Para akong sinasaniban sa sakit hahaha para akong uod na di mapakali nung oras na yun, that lasted for 6pm in-IE ult ako 6cm lang ang progress at bglabg pumutok panubigan ko mas lalong sumasakit ang contractions, tumataas ang Bp ko ganun nadin ang heart rate ni baby. Sobra nakong kinakabahan dahil ngrered na ung monitor niya umaabot na sya 190bpm kaya my ob and their team decided to put me on ECS. 6:53pm (June 8) Baby's out Kaya pala hindi sya bumababa isang dangkal lang ang haba ng umbilical cord ko. Sobrang hirap at sakit ng recovery phase. Pero laking pasasalamat ko na ligtas kaming dalawa ni baby. Meet my bundle of joy Dreiven Jai B. Parreño, 3.0kg via ECS- June 8, 2020 6:53 pm 39 weeks and 2 days EDD via TransV June 14, 2020 Kudos sa lahat ng CS mommies! Lavarn lang tayo. 💋 2 weeks na ang baby ko ngayon. Ü

Emergency CS Experience
42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako naman sis na emergency cs ng 35 weeks dahil sa low amniotic fluid.. thanks God ok si baby.. di na kailangan ng incubator.. in oxygen lang sya.. ngayon 4 1/2 months na sya..😊

Post reply image
5y trước

Thank you sis..😊 1 month lang ako pure bf.. sobrang hina kasi ng gatas ko kaya ung pedia nya pinag formula sya ung similac neosure pra sa mga premature.. buti hiyang nman nya.. after a month lang ng normal na weight nya pra sa age nya..

Same po ecs Pero wala akong naramdaman na pain Kaya naman ako na cs kasi nakapulopot yung cord ko sa baby ko dun ako natakot

Thành viên VIP

Congrats momsh. Same ECS din kasi pagputok ng panubigan ko, color green meaning na poop na si baby. Kaya ayun, ECS. 😬

Congraaatssss po! 😊💗 Okay lang po ba iask ko kungbsaan ospital kayo and magkano po total bill?

5y trước

Aww ang mahal pero at least safe delivery kay babyy 😍 Mamsh, sorry ftm. Pwede pa explain sa akin kung paanong sakit yung hilab? Naninigas kasi tyan ko e, yun lang nararamdaman ko. Huhu. 37 weeks pregnant here.

Thành viên VIP

Congratulations Sis. Same here, ECS din dahil tumataas ang BP🤦‍♀️

cs din one month and 15 days na kami..woth it ang pain at labor...

Congratulations mommy! Welcome to the world little pogi!

Congrats mamsh! Thanks God at safe kayo ni baby 😊

Cs here mag 4 weeks na, kaya po natin to hihi

Thanks God. Congrats po mommy. God bless po