kamusta

Share nman mga sis.. kmusta n Kayo ng partner mo? Sweet pa Rin b? ?After mag ka baby or mabuntis?

294 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hindi sobrang sweet as in yung hahalikan ka palagi, yayakapin palagi, pero napaka responsable naman lalo pa ngayong buntis ako. sya gumagawa ng lahat sa bahay ngayon kasi laging masama pakiramdam ko. hinayaan niya akong mag leave sa trabaho kahit hindi ako ssweldo. lagi niyang sinasabi na pagkasyahin nalang muna sweldo niya hanggang sa magdecide ako na kaya kona. night shift sya so bago sya matulog sa umaga, paglulutuan niya muna kami ng kakainin. sa lunch at dinner ganon din. kung anong ulam gusto ko, yun ang bibilhin. kahit mahirap maghanap ng gummy worms, susubukan niyang magikot para makahanap lang. sinasamahan niya ako sa lahay ng check ups kahit wala pa syang tulog. minsan naaawa ako. kaso di ko talaga kaya. kanina nga, sabi ko ako na magluluto, pero di ko matapos kasi naduduwal ako. so khit lunch break niya, pinaglutuan niya padin ako ng pagkain para di ako magutom.

Đọc thêm
Influencer của TAP

Mas maalaga si husband tho maalaga naman talaga sya ever since. Two years pa lang din naman kasi kami kasal (tho 10 years kami bf-gf bago ikasal) so parang honeymoon stage pa din kami. Pero ngayon preggy ako, mas maalaga. Pareho kasi kami workaholic at parati busy sa office so minsan sa maghapon parang bihira kami magchat pero ngayon may call, video call, texts and chat pa yun para kumustahin ako at mke sure na nakakain ako. May moments din na sobrang OA nya, ayaw nya ko magcommute lalo na nitong malaki na ang tyan ko. Sana nga di magbago sa future ang husband ko. :)

Đọc thêm

Gustong gusto ko na umuwi samin. Naiinis ako sa pag uugali niya, biruin mong ang aga gumising para maglaro ng mobile games. Gusto pang iasa lahat sakin ng mga gawaing bahay. Dumi ng puppies namin ako pa maglilinis, maglalaba ng damit, maghuhugas ng plato, magluluto ng kakainin. Nakakabwisit! Pag umuwi naman ako sa bahay namin, ayun parang tuta kung mag magmakaawa na bumalik ako sa bahay namin ngayon. Nakakainis na, hindi ko alam kung naiinis lang ako ngayon ng sobra dahil sa buntis ako. Hirap pa naman pigilan ang pag iyak, nakakasakit lalo ng ulo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mas nging sweet siya nung ngkababy kami hehe naun na buntis ako sa second baby namin ung mas naging bongga haha pinaliliguan nia ako lalo malpit na ako mngank siya din gumglaw sa bhay, linis, luto, laba, paligo sa pangany nmin para lang mkpgphnga ako ng mtgal... ako nlng kusang gumgwa ng mga kaya ko... super appreciated ko laht ng efforts ng aswa ko grabe lng si Lord napakabuti niya dahil bngyan nia ako ng aswang mssbi kong mgging partner ko habang buhay sa hirap man o ginhwa 🥰

Đọc thêm

ngayon nawalan sya ng gana sakin kasi tumaba ako tas maselan ako magbuntis sinasabi nya lagi sakin na nag iinarte ako di ko matanggap na biglang ganun trato nya sakin kung kailan magkakababy na kami di nga sya natuwa nung nalaman nyang nagpositibo ako sa pt then gender reveal naman napaka plain ng mukha nya nung sinabi ko na baby boy.parang wala lng sa kanya ung ganung moment fyi first time dad pa sya nyan ah. kaya ung anak ko na lng iniisip ko . kahit sobra sobra na sama ng loob ko

Đọc thêm

No simula ng nagka baby kami lumabas totoo niyang ugali at kasinungalingan akala ko may anak lang siya yun pala kinasal sila ng ex niya nalaman ko lang nun after a month after ko manganak imagine di lang yun kasi pinatawad ko sana siya pero pagkalipas ng ilang buwan sasabihin niya na nawala feelings niya kasi ldr kami tapos malaman laman ko may ibang babae grabeng depression naranasan ko pero hiwalay na kami nito lang at kinakaya ko na lang para sa baby ko na maging matatag🙏😇

Đọc thêm

Yes po😇Sweet parin siya sa akin at mas lalong nadagdagan pagiging sweet at caring niya sa akin simula nung nangnak ako. Kahit na inaaway ko siya kasi madalas tinotoyo ako walang nagbago sa kanya. Im so blessed and lucky to have him in our life. Working hard din po siya para sa future namin. 😇😇😇Wla na akong mahihiling pa, I really thank God kasi binigyan niya kami ng second chance ni hubby. 😇😇

Đọc thêm

Good Morning, share ko lang. di ko nadin alam gagawin ko, sweet at maalaga naman partner ko pero pag tulog ako may chinachat siyang babae naka Archive message tapos wala namang convo. pero may nakasulat doon na parang 4 hrs. ago binura na siguro niya yung convo nila. last time kasi Valentines Day pa last convo nila nagbatian sila sa isat isa. tapos kanina may nakasulat 4hrs. ago. pero walang bagong conversation.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Nakaka proud lang kasi 9 years in relationship, 4 years married kami. Pero sobrang sweet parin ng asawa ko sakin. Hindi nagbago kahit kaunti. Holding hands parin, pinagbubuksan ng door, pinapasalubungan ng pagkaen at kini kiss sa simbahan tuwing "peace be with you". Sana lahat ng lalake ganon para masaya rin lahat ng wife. Deserve natin ang ganong klase ng lalake. 🙂

Đọc thêm

Sobrang sweet😂 sabi nila pag di sayo sweet ang guy pag in a relationship paa lang, at lagi kayo nag aaway, eh mas lalo daw oag magv asawa na. Pero naku di ko naman inexpect, sobrang sweet at maalaga. Spoiled ako😂🤣 minsan nakakaguilty kasi madalas ko pa awayin,ewan napaglilihian o ata, pero grabe..ang sarap na ggising ka every morning sa na pinupupog ng halik at yakap😅

Đọc thêm