help

Share ko lng po ? Ang hirap tlga pag wlang work yung tipong gustong gusto ko na mag trabaho para sa baby ko kaso hnd pwede kasi ayaw ng partner ko . Nakakarindi na kasi minsan porque sya yung nagwowork parang sinusumbat nya na sakin lahat kapag may nagawa lng akong maliit na kamalian umaabot na sa point na sinasabihan ako ng tanga ,bobo kulang nalng sabihan nya ako ng wlang kwenta . Minsan din pag kinakausap nya anak ko lagi nyang sinasabi na "tara iwan na natin yang mama mo .wla naman silbi yan e" Ang sakit lang .yung partner ko kasi hnd naman sya yung tatay ng anak ko pero sya gumastos sa pangpaospital ko sa lahat ng pangangailangan ng baby ko na hnd ko ma provide kasi nga nag aaral plng ako ? Nag stop lng ako ngayong year na to para sana mabantayan ko muna si lo ko pero next year mag aaral na uli ako. Gusto ko lng po ishare to tama po ba na dapat ko maramdaman na wla naman talaga akong kwenta na totoo lahat ng sinasabi ng partner ko ? Wla din po ba akong karapatan na mag desisyon para sa sarili at sa anak ko dahil hindi naman ako ang nagtratrabaho para samin? Ano kya dapat kong gawin ??

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Leave him. Walang pwedeng magsabi sa isang ina na wala syang silbi lalo kung nagagampanan naman niya yung tungkulin niya sa anak niya. Pwede ka mag work home based kung hindi pa kayang magwork ka talaga, pero mas magandang sa parents mo na lang ikaw tumira.

5y trước

Thank you po

Kung ako sayo? Iwan mo. Wala siyang respeto sayo. Kahit sino pa yan, kahit partner mo na gumagastos para sayo, never dapat niya iparamdam sayo na wala kang kwenta. Ikaw lang ang may tanging kakayanan na magdesisyon para sa sarili mo. Kung ano sa tingin mong tama, gawin mo para sayo at sa baby mo. Hindi mo deserve magtiis sa ganyang klaseng treatment. Lagi ko nga sinasabi dito: Leave the table when respect is no longer served.

Đọc thêm
5y trước

Never niya pwede sabihin na wala kang kwenta kung sya mismo ayaw niya na magwork ka.