Share ko lang...
Hindi biro ang pinagdaanan ko.
Simula't sapol formula fed agad si baby kasi naiwan sya sa NICU at hindi din ako pwede magpalatch kasi sinalinan ako dugo.
Wala talagang lumalabas saken non na milk.I tried pumping pero laging patak lang halos lumalabas. I tried drinking M2, malunggay coffee & choco, eating lactating treats, and taking suplements pero hindi ko alam ba't parang walang nangyayare. Umiiyak na ako. Naiistress na ako.
With the help of my relatives and specially my husband sila nagsabi na wag ko ipilit kung hindi kaya. Wag ako mapressure kasi kaya naman bumili gatas. Na healthy pa din naman ang formula milk.
Pero hindi ako sumuko.tuloy pa din sa malunggay.....
After more than 2 months, malapit ko na makamit ang pagpapapure bfeed 😊 1-3times a day na lang nagfoformula ang baby ko.
Kaya para sa mga mommies dyan na hirap magkaron ng milk o di sapat ang milk, kaya yan. Kakayanin. Ipanalangin nyo din.
At sa mga mommies na hindi talaga kaya magpabreastfeed. It's okay. Hindi biro bumangon para lang magtimpla ng milk. Hindi biro na imbis na itutulog mo e maglilinis ka pa feeding bottles. Hindi biro magpaburp (mas matagal magburp pag ff ang baby), be proud 😊
FF or BF man si baby maging proud tayo sa sarili natin kasi hindi biro maging nanay. Naipush ko lang talaga mag pure BF kasi yun ang desisyon ko. Pero walang masama kung FF si baby 😊