Pagbumili ng maagang gamit ni baby

Share ko lang yung pamahiin na kapag maaga ka daw bumili ng gamit ni Baby mamimiscarriage ka daw. Kasi bumili ako ng diapers at wipes kasi sale sa online then sabi ng byenan ko. Masama daw po yung maagang bumibili ng gamit ni baby kasi yung tyahin nya ganun nangyari sobrang excited daw bumili ng mga gamit agad kasi di naman naniniwala sa pamahiin tas malusog naman daw baby nya pero nung 5mos daw nalaglag daw yung baby. Natakot ako kaya stop muna ako. Sabi sabi din ng iba pamahiin nga po yun. Inisip ko wala namang masama kung di nalang ako bibili agad ipunin ko nalang muna yung money.

85 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

by 4 months bumili nako ng mga damit ni baby at crib. kaso pagdating ng 6 months bigla ko nagka spotting un pala my Uti ako. pero thank God ok na 😊 29 wks pregnant here

Ako mommy di po ako naniniwala sa pamahiin. Si God lang nakakaalam ng lahat. Ang importante andiyan ang faith mo. God bless ❤

Not true, been buying baby stuff since 1 month pa lang si baby sa tummy ko but I bought unisex para sure then bought baby boy stuff during my 2nd to the last ultrasound :)

nanay ko nga, nag-iipon na ng gmit nung nalamang buntis na sy a saken, buhay namn ako. Andaming pamahiin sa Pinas, nakakaloka lng yumg iba kasi walang basehan

Ganyan din sabi sakin. Manganaganak na ako sa May wala pa akong gamit ni isa dapat ngayong april kami bibili pero dahil sa lockdown nganga kami ni baby.

Kame hindi bumili agad, now 1 month nalang ako bago manganak wala pa din gamit baby ko. Sobrang wrong move tapos nasabayan pa ng lockdown pahirapan tuloy

hindi rin mamsh. 5 months tiyan ko namimili na ko ng gamit ng baby ko. wala naman nangyari. and always lang din check up and alagaan ang pagbubuntis.

Baka lagi siyang nagbubuhat ng mabigat? Yung iba nga po pagka nalaman na gender ng baby bumibili na ng gamit pakonti konti pero di naman nakukunan.

wala naman pong masama mommy kung maniniwala tayo. ako mag 7 months na tyan ko pero wala pa nabibiling gamit. pag 7months na siya chaka ako bibili😊

Its better na bumili ng paunti unti pra hnd mbigat sa budget..pero aq bumubili pg 7 or 8 mos na pra hnd masyadong ntago ang stuff ni baby..