Conception , Ovulation, LMP

Share ko lang. Yung day 1 pala ng ating pagbubuntis or tinatawag na GESTATIONAL AGE ay sinisimulan sa unang araw ng ating regla, it means hindi pa tayo buntis nun (2 weeks). Andami nalilito bakit nagdadagdag ng 2 weeks ang mga doctor, at madami nagtatanong 2 weeks ago palang sila nagsex ni mister pero 4 weeks na ang bilang, ay ganun talaga bilang nila, ang first 2 weeks ay di pa talaga buntis, naghahanda palang katawan ng babae for ovulation. 😊 At may tinatawag naman na conception date, yun yung araw na nag do kayo ng inyong mister, (the day you concieved the baby) actually may 5 days na window ang conception date kasi ang sperm ay nabubuhay ng 3-5 days sa loob ng babae 🤭. Ang conception date ay nangyayari depende kung gaano kahaba ang cycle ng babae (menstruation). May ilang babae na minsan early or late nag oovulate at kung regular naman ang cycle ng babae like 28 days, sa ika 14 na araw sya mag oovulate at dun na mangyayari ang conceiving. For example LMP mo ay January 1, with a perfect and regular 28 days cycle, sa jan 14 yung ovulation mo given na may fertile window, you can be pregnant on Jan 11. Iba iba ang babae, may mga irregular kasi. If nabuntis ka naman at di mo tanda ang LMP mo or irregular cycle ka, much better mag pa trans V kana agad ng 1st trimester wag mo papaabutin ng lampas 12 weeks, kasi mas accurate ang tvs ultrasound sa 1st trimester, ang fetus ay nag gogrow ng very consistent rate sa ganyang time. If naka pag tvs kaman, minus kalang ng 38 weeks or 266 days sa due date mo at makukuha mo ang conception date mo with a plus/minus 5 days para sa range/period. Yun lang. 😊

1 Các câu trả lời

Ay thank you sa detailed explanation, mama! Totoo talaga, maraming friends ko na nabigla bakit 4 weeks na agad ang count nila when they just found out last week, kaya helpful talaga to know na ang LMP ang starting point ng dating kahit wala pang conception. One of my mum friends din nag-panic na "pero 2 weeks ago lang kami nag-try!" pero yan na talaga ang system ng doctors kaya okay lang, normal lang yan. Super important din yung point mo about trans V ultrasound within 12 weeks if di mo sure ang LMP, nakita ko din sa kaibigan ko na sobrang accurate yung dating from that, way better than later ultrasounds. Salamat sa pag-clarify nito, maraming mumshies ang mag-benefit from this info!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan