Paano bubukod kung walang kasama si MIL?

Share ko lang sama ng loob ko. I'm currently pregnant. Gustung-gusto ko ng bumukod kami ng asawa ko at umalis dito sa bahay nila kaso ang problema single parent si MIL at wala syang kasama kapag umalis kami. Habang tumatagal kasi mas lalo lang akong naiinis sa kanya. Akala ko kasi nung una okay sya. Mabait naman po sya kaso ang ayaw ko po sa kanya e masyado po syang damak. Di po sya mahilig maglinis. (By the way kami ng asawa ko parehong may trabaho, mas malaki ang sahod ko kesa sa asawa ko kaya halos lahat ng gastusin e sakin din) Ayun nga po, napakatamad nya. Yung tipong pwede nya namang linisin ngayon (like tae/sula ng pusa nya) pero hindi, uuwi na lang ako dito sa bahay nila galing duty pagod, madadatnan ko pa yun. Wala po syang trabaho, asa lang sya samin. Usually paghuhugas ng pinggan lang talaga nakatoka sa kanya, the rest like pagluluto ako na po lahat. Pero maski paghuhugas ng mga pinagkainan ipinapaabot nya pa kinabukasan or worst umaabot ng 2 days. Ayoko rin po sa kanya yung hindi po sya masabihan, gusto nya sya lang ang palaging tama. Ayaw ko rin sa kanya na pag may ginawa syang di tama at pinagsabihan sya ng asawa ko e sya pa po ang galit at sinasabihang tanga ang asawa ko. Tapos kung may gagawin sya magpaparinig pa yan na pagod na pagod daw sya. Nakakairita po kung panu nya sumbatan ang asawa ko na kesyo inanak nya samantalang di naman sya naging responsableng nanay dahil sa murang edad pinagtrabaho nya na agad ang asawa ko kaya hindi tuloy sya nakapagtapos ng pag-aaral samantalang sya pangangapitbahay lang ang alam. Marami pang nakakairitang pag-uugali nya. Minsan natatakot ako na baka maging kamukha nya ang baby ko 😅 #stresssharing #advicepls #1stimemom

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Cguro kausapin mo muna asawa mo about dyan sa gusto mo. Mas mainam na malaman din ng asawa mo ung mga nararamdaman mo para matulungan ka din nya. Malay mo may mas maganda syang maisip na solusyon. Pray ka lang.

4y trước

Di naman ibig sabihin na nagopen ka e need na nya mamili. Magopen ka lang ng nararamdaman mo about s nanay nya sknya para alam nya at maging aware sya. Explain mo na ayaw mo ng nararamdaman mo at nagguilty ka kasi mabait naman nanay nya kaso nga lang naiinis k tlga sa katamaran nya. Real talk lang. Basta magusap lang kayo ng mabuti kesa mastress ka dyan. Masama pa nman mastress ang buntis. Kaya mo yan. Ikaw na nagsabi ayaw mo maging kamukha nya baby nyo. HAHAHAHA di yan matatapos kung di ikaw ang gagawa ng first move tska malay mo naman may maisip na solusyon asawa mo para maayos yan db? Basta tiwala ka lang. 😅😁