Unexpected Blessings
Share ko lang po, August 14 ang LMP ko then nung Sept.14 hindi ako dinatnan , pero wala po sa isip ko na buntis po ako, Sept.17 may nakita akong PT sa Drawer , kaya out of curiosity eh nag Try po akong mag PT pero di ko po inaasahan ang magiging resulta, Nag 2 lines sya, pero medyo malabo , then after ng mga ilang oras nagtry uli ako,, kasi di talaga ako makapaniwala , ilang taon din kasi kami nag hintay ng asawa ko at thanks God Finally Ipinagkaloob sa amin ng Diyos ang aming kahilingan, 34 na ako at naniniwala ako na "IN GOD'S PERFECT TIMING" Kasi kung kalooban talaga ng Diyos para sa atin ay Ipagkakaloob nya ito, Samahan lang natin ng Dasal at pananampalataya,🙏 Back to my Story..☺️ Sept.18 nagpunta agad kami sa OB ko, NagpatransV ako, kaso dahil sa masyado pang maaga kaya wala pang nakita, kaya pinabalik ako Oct.02 Oct.02 Inulit ang TransV ko, at ayun, super happy kasi nakita ko na sya at nalaman ko din ang Heart rate nya,, super saya, ung walang hanggang pasasalamat sa panginoon at walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko nung mga oras na yun, Oct.11- 7 weeks and 3days na akong preggy, at nagleave narin muna ako sa work ko,, bawal na kasi ang pag-angkas sa motor at tricycle, basta tuloy tuloy lang ang pag inom ng folic acid, at iba pang nireseta ni Dok. #my1stjourney #my1stbaby #INGODSPERFECTTIMING #THANKYOULORD FOR THIS PRECIOUS GIFT 🙏🙏🥰🥰