E-CS delivery

Share ko lang po yung naging experience ko. 38 weeks mahigit po ako nun pero sarado pa po yung cervix ko, then 2x po ako nilabasan ng tubig sa madaling araw, pero konting konti lang at hinayaan ko lang which is dapat nagpa-check up na ako nun. Tapos after po nun, madaling araw din nilabasan ako ng dark brown at tubig. Nung umihi ako may kasamang parang sipon na may brown or blood po yata yun then sakto check up ko na. Then, during check up sabi po ng OB close cervix parin at sinabi ko na po yung concern ko about sa mga discharge lately. Bawas na po yung panubigan ko pla at kailangan na ako emergency CS agad that day kasi maaapektuhan yung baby. Kaya kung may nakaka-experience man po ng ganyan, pa check na po agad kahit konting discharge lang, para po sure. Di naman po pwede i-normal o induced kasi close cervix pa at makapal daw po yung lining ko. Thank God kasi sa kabila nun, kahit na-CS ako walang complications si baby, & healthy po siya 😇 March 03, 2023 nailabas. ❤️

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời