HYPOKALEMIA

Share ko lang po story namin ni misis about Hypokalemia (Low level of potassium) Nagsimula makaranas si misis ng pangangalay (numbness) sa right arm niya at 17th week.. On and Off yung nararamdaman nyang iyon.. akala lang nmin na nid na nya mag Bcomplex since medyo high risk na sya kasi 32yrs. Old na siya at first baby namin.. the following weeks yung right leg nmn nya ang laging nangangalay hanggang sa feeling nya nagtu-twist na yung buto nya sa legs.. One morning hirap na siya tumayo at halos di makahawak ng baso at kutsara kapag kakain.. kung maglalakad man mukha siyang STROKE patient na kagagaling lang.. halos hilahin nya paa nya at buhatin ko siya everytime na babangon siya. Di nmin pinapasok sa work that day pra makapagpahinga xa. The following day it got worsen. Yung tipong pati undies nya di na kayang hubarin at suotin.. pabalik. Den dun na kami nagdecide na dalhin sa hospital. At the hospital.. Dun na namin nalaman na mababa ang potassium nya from normal ref. of 3.5 nasa 2.02 ang reading ng test sa kanya.. maxadong mababa kya pina-admit xa sa hispotal. Pinagti-take ng 2pcs of Potassium tablets every 4hrs. Plus my nka swero pa na concentrated Potassium na mahapdi daw tlga. Wala kasing pagkain na makakapagpataas AGAD-AGAD ng potassium kahit pakainin pa nmin xa ng isang piling na saging. (Which is nag less tlga kami ng saging nung 1st trimester nya kasi nga hirap siya dumumi) Good thing every doppler kay baby Naririnig nmn na malakas ang heart beat. Pina-ultrasound na din nmin kinabukasan at nalaman namin ang gender dahil pang 20weeks na ni baby. Dun namin nalaman na BABY BOY nga kasi kung nagkataon mahihirapan ako magisip ng name kapag girl. 1month palang si misis alam ko na Boy ang magiging panganay namin.. ewan ko ba father instinct siguro. After 3days sa hospital nkalabas na kami. Nagnormal ang potassium ni misis at lumakas na siya... ang sabi ni doc iwas daw muna sa PASTA at Madaming RICE. nagulat kami kasi pinaglilihian ni misis ay CARBONARA.. isa pala siya sa naging cause ng pagbaba ng potassium sa katawan.. nka 25k din kami in just 3 days. Prang nagpaanak na din kami ng normal delivery.. pero xmpre pera lang yan mas mahalaga ang buhay ni misis at ni baby buti nlang daw naagapan namin kung hindi pwede silang mapahamak. Kaya Praise God safe silang dalawa. Kya mga moms kapag sinabing bawal.. bawal.. laging tatandaan ang lahat ng sobra ay nakakasama.. sana may natutunan kayo sa story namin. #EDDJAN2020 #FirstTimeDad #ExcitedParents #HypokalemiaConqueror

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

buti n lang daddy, .. ang galing mo super alaga mo si misis, goodluck sa inyo and pahinga lang.. congratulations .samw here baby boy 😊😊😊