Tinanggal na cervical polyps

Hello. Share ko lang po para sa mga kagaya kong may polyps. 16 wks nalamang may polyps ako kasi nagbleeding ako at naadmit sa hospital, wala nun ang OB ko at out of town, sabi ng Dr sa ospital bed rest lang daw ako. After 7 days nagpunta ako sa clinic ng OB ko at sinabi ko ang case ko, hindi makita sa ultrasound nya kaya sinilip nya, base sa ultrasound sa ospital isang 4 cm lang ang polyps ko pero nakita ni OB na dalawa kasi may isang maliit pa. At that time inischedule nya ako for operation kasi lagi daw ako dudugoin nun, di naman daw makakaapekto sa baby ang anesthesia. Natanggal naman pero yung stalk nung malaking polyps ay di tinanggal ni doc dahil masyadong malapit sa matres, natatakot daw sya baka magalaw ang matres at makunan ako. Sa ngayon praying ako na kahit may natira pang stalk eh wag na ako duguin at magpatuloy sana ang pagbubuntis ko at manganak ng normal. Update ulit kapag nanganak na ako. 🥰

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

praying po sa safety nyo n baby mommy