Pain. 32 weeks and 3 days
Share ko lang po. Kasi kaninang 4-5 am nagising ako sa sobrang sakit ng tiyan ko. Sabi ko sa asawa ko nalamigan ata ako. Pero (umutot) ako ilang beses pero di ako macr (poop) hanggang sa nagtimpla siya ng gatas ininom ko sobrang sakit pa din tinext ko na midwife ko kaso walang reply. May times na sasakit siya di ko na makontrol yong pain kaya napapakapit ako sa asawa ko muntik ng di makapasok sa work sa pag aalala saken. And then ilang minuto lang nakaka (poop) na ko. 2 times na ko bumalik sa cr at tubig lang nilalabas ko kaya tinext ko ate ko sabi niya nung ganyan din daw siya pinainom daw siyang gatorade pero ayoko magtake hanggat wala sinasabi saken kaya tinitiis ko muna. Uminom ako tubig para mabawi ko nailalabas ko. Pero after non nagpahinga ako tapos nawala nanaman yong pain kaya naglinis na ko, naglaba tsaka nagluto. Tapos pagsuot ko sa damit ko napansin ko tiyan ko sobrang baba. Di naman siya ganyan kahapon. Normal lang naman po ba yan? Biglang baba niya kasi. Ps. Sorry po pasintabi sa kumakaen hehe. Share ko lang. Now, nawala na yong pain. (Stretchmarks is real) ?