Sa sobrang bait ni hubby, nakaka-inis na!

Share ko lang. Apat silang magkakapatid. 3 Seamen (2 Kapitan ng barko, kasama hubby ko), 1 Businesswoman. Tatay po nila kapitan din ng barko. Lahat sila magkakapatid bukod sa hubby ko, may kanya kanyang bahay na pinatayo ng tatay nila at mga sasakyan pa. Kasal at panganganak nilang mag aasawa sagot din lahat ng tatay bukod nanaman samen ni hubby. Wala kami maasahan na iba. Sabi ko kay hubby kunin nalang yung kotse para Hindi kami mahirapan sa byahe kasi buntis ako. Ayaw niya, sabi niya kaya daw niya bumili. Eh wala naman. Tapos sarili bahay namin wala pa din. Hindi parin kami kasal. Nakakainis lagi niya sinasabi okay lang daw kaya daw namin. Eh Hindi ko pa siya pinasasampa ng barko kasi gusto ko makapanganak pa sana ako. Kaya nag nenegosyo nalang kami, kahit maliit lang. Ako naman Hindi pa nakakapag turo dahil maselan pagbubuntis ko. Nakakasama lang po ng loob. Bakit okay lang kay hubby na Walang wala kami nakuha suporta mula sa parents niya samantalang mga kapatid at asawa nila nagpapakasasa!

63 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Maturity sis.. Tama yan bilang isang father.. Di aasa sa iba o sa Parents.. Ayaw mo ba nun sis may sarili syang plano sa inyo.. Masinop lang siguro mister mo, ayaw nya basta gumastos ng di naman talaga kailangan like car. Wait ka lang sa bahay nyo, darating kayo dun..

Jinowa mo ba sya at nagpabuntis ka ba sa kanya because of his family's financial capability? If hindi, then let him be a MAN. He's independent and dignified. Instead na magreklamo ka, help him build your own family. Do your part and stop complaining.

Maganda nga yang ugali ng husband mo eh, gusto tumayo sa sariling paa at pagsumikapan ung mga gustong marating sa buhay. Na di umaasa sa tulong ng iba. Mas gusto mo ba ung walang pangarap na aasa na lang sa magulang for comfort?

sis, ang mapapayo ko lng, di ka pwede maghangad sa parents ng bf mo... you know why? kasi di ka nman nila kaano ano.. di mo pwede yan isumbat.. magtiwala ka sa bf mo at may plano yan sa inyo na di humihingi ng khit ano...

Edi sana yung tatay nalang niya inasawa mo tutal halata namang habol na habol ka sa yaman nila 🙄 di ka ba masaya na independent ung asawa mo 🙄 teacher kapa naman yta. Di maganda yang ugali mong inggitera

5y trước

Hahahaha oo nga halatang inggetera.

Ayaw lang ni hubby umasa sa parents nya. May paninindigan sya, di ka b proud? Sana all. Masarap kasi sa pakiramdam uung sa sariling sikap mo itinaguyod yunh pamilya mo. Di ka umasa sa iba. Mas fulfilling.

Dapat ikaw pa ang magmalaki sa asawa mo. Ikaw pa din dapat magsasabi na wag na himingi sa magulang ay bakit parang ikaw pa yung gustong gustong may makuha sa magulang ng bf mo. Hays uhaw na uhaw?

Big no to you sis kung tutuusin nakaka proud hubby mo kase di na naasa sa magulang dapat nga ikaw ang kauna unahang mahiya sa magulang nya tsk sya ang jinowa mo hindi magulang nya ok?

Thành viên VIP

Maswerte ka sa hubby mo. Wag kang mainis sa kanya. You should be proud of him. Tsaka wag kang mainip kung yung mga bagay na meron ang kapatid nya ay wala pa kayo. Its worth to wait.

5y trước

True sis.. Mas okay ung wala sila masusumbat sainyo..

Thành viên VIP

You're lucky to have a grown up, independent partner.. 😉 and as for the rest, Thumper the rabbit says, if you can't say something nice, don't say nothing at all. 😅