33 weeks and 2 days

sept 3 pa po yung due ko and im a first time mom. ano po ba usually ang signs na malapit na manganak ang isang buntis

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

You can search and read up for signs and symptoms of active labor, but also understand na iba-iba ang experience ng bawat isa ☺️ So yung mga mababasa mo, pwede ma-experience mo, pwedeng hindi. Basta reminder lang sakin ng OB ko before, kapag nagleak o nabasag ang panubigan ko, magpunta na ko asap sa hospital dahil delikado kapag natuyuan si baby sa loob. Having said that, personal experience ko ay nararamdaman ko yung 1st symptom within 24hrs bago lumabas si baby. At first, feeling ko humihilab tyan ko na parang may lbm pero it comes and goes every 1-2hrs until it gradually becomes more regular and frequent. Kapag every 3-5mins na ang paghilab, pumupunta na ko sa paanakan at nakakalabas na si baby within 1hr pagka-admit ko. I have no idea about yung mga cm, usually ay ina-IE ako kapag nandun na ko at diretso ire na. Yung panubigan ko, during labor na lang din nagpo-pop at yun bloody show, within 1 hr before lumabas si baby. Days before, normal lang yung sobrang ngalay sa pelvic area at "mabigat" yung sa vagina, also loose bowel din :)

Đọc thêm

sept 2 here! may discharge po ako? kayo po ba?

6mo trước

ung baby ko cephalic na, umikot pa. 😅 34 weeks n ko.