Baby bump
Sana all malaki baby bump 🙁 naiinggit ako sa mga buntis na malaki yung baby bump 😢 . Gusto ko kasi malaki para dama ko naman yung pagbubuntis ko😅
ganyan dn ako nung una na sana malaki dn tyan ko para feel na feel ko pero ngaun malaki nmn nakaka alarm kc snsbhn nla ako malaki dw bawas dw ako sa pagkain kc pag patuloy pa ito baka nd ko dw ma normal mas maigi pla maliit c bb sa tyan kaysa malaki
Dati ganyan ako eh gusto agad lumaki na baby bump ko pero nung lumaki na sana pala maliit nalang haha kase super hirap na kumilos at matulog at nagka strech marks din ako ng madami. Yung super flat and kinis ko tyan ngayon wala na huhu.
mahirap kpag malaki mommy,,now nga sakin 7months.nabibigatan n ako.lalo n kapag busog ka,,pero nakakaproud din namn,,at nkktuwa lalo n pag ggalaw v baby😊stay safe satin lahat mga mommy.
Naku mommy, mahirap din na malaki ang tyan. Dyan minsan na-ccs, gusto mo ba ma-cs? Basta't healthy si baby sa loob ng tummy at healthy ka okay na yun. Masama sa buntis mainggit.
Hehe naCS napo ako dati 😊 maliit lang tyan ko 😊 natutuwa kasi ako sa mga mommy na ang laki ng baby bump ewan ko ba 😂
Okay lang yan sis. Mahirap na mag gagalaw kapag malaki na yung baby bump. 6mos onward biglang lalaki din yan😊 Basta always take your prenatal vitamins & eat healthy.
Dont worry mommy as long as healthy si baby. Kapag nman po 5mos onwards dun usually visible ang baby bump e. Mahirap din kapag sobrang laki ng chan, ang bigat na 😅
ok lang yan momsh. 😊 mas mahirap kumilos pag mas malaki ang bump. 😅 plus as long as ok ang size ni baby sa loob ok na yun. 😊 si baby naman ang importante.
ako sis maliit magbuntis pero feel na feel ko bawat galaw ni bby and okay lang saken kaht maliit ako kagbuntis ng makagalaw ako ng maayos pa 😅😇
Mami ang mahalaga po Healthy si baby sa loob, at nafefeel mo siya. Me also, 7mos na pero marami parin nagsasabi na maliit ang baby bump kom
Okay lang sis kahit maliit, para makagalaw ng maayos, maliit din tyan ko pero nararamdaman ko mga pagsipa at pagalaw nya. 😊
Momsy of 1 fun loving prince