Anti Tetano
Sana may makapansin, mag 37 weeks na po ako aa huwebes. Never pa ako nainjectkan ng anti tetano, mga mii ok lang ba kahit wala na? sa Public Hospital pa naman plan ko manganak.

ako nga po naturukan lang nong 4 months nako buti at sinabi ko sa ob sa center. tinanong ko rin kung okay lang ba na walang anti titanus sabi nya importantante daw po yun para daw proteksyon sayo at sa baby sa kung anong bagay na ginagawa natin araw² tulad sa mga gawaing bahay, sa paglilinis daw ng isda at saan pa. dapat daw po makompleto yung 3 turok para daw sa next na pagbubuntis Hindi na tuturukan at hahanapan daw ng record ng turok pagnanganak na. 2nd 💉 ko this may 24 then bilang ng 4-5 months para 3rd shot or after manganak.
Đọc thêmkung sa center ka nag papa check mas better na itanong mo Yan sa kanila,ako Kasi sa private ob ako nagppaacheck up Nung 1st to 5th month ko,Nung nag 6th months na center na nag Tanong na ko sa center Kong matuturukan pa ko nun Sabi nila dapat nga daw pag 20weeks palang Meron na dapat anti tetano
Sa lying in ako nanganak at tinanong nila ako if nagpaturok na ako nito. Tinanong din ako ng pedia ng baby ko kasi if in case daw may makitang infection sa kanya nung nagpa head to toe check-up kami. Thank God my baby is healthy.
depende po sa panganganakan niyo. sa panganay ko po naka 2 inject ako (2021 Public hosp nanganak) nasundan agad siya nung (2022) hindi na ko tinurukan kasi sabi ng midwife ok na daw yon naka 2 turok na daw ako sa panganay ko.
Đọc thêmAko nirequired ni ob mgpaturok,sa health center na para libre..merun nmn s knila din yung flu vaccine lng inavail ko s ob,27 weeks nko pangalawang turok ko ng tetanu sa 18..mganda pa rin mgpaturok para s safety ntin momshies..
yan nga din po ang iniisip ko 31 weeks n po ako pero wala po ako anti tetanu shot last shot ko po ng anti tetanus ay nun nakagat po ako ng aso year 2019 pa,hindi nmn ako nirequire ng OB ko na magpaturok ng anti tetanus
Dipendi sa hospital kung e required kasi when giving birth at risk po talaga sa tetanus infection mas mabuti na may proteksyon. It will give protection to the baby also
Ako din po wala pa,27 weeks na ko. Private ako and di nman required daw yun,sabi ng OB ko baka daw kasi maabutan ng panganganak kung saan2x kaya nirerecommend sya. Pero ako wala akong balak magpaturok.
ako po nakapanganak na at 1month na si LO, hindi naman po ako nirequired ni OB magpa inject ng tetanus toxoid. Sa private hospital po ako nagpapa check-up pero sa public hospital ako nanganak.
Nanganak ako sa panganay ko 2013 kumpleto po ako sa turok, then nasundan ng 2019 sa pangalawa, kulang ako isang turok, then ngayon po 9 months pregnant na ulit, di pa ko naturukan kahit isa.