Ako kasi maselan at maarte sa anak ko.
Sabi nila pagsineselan daw ang bata mas weak at sakitin? Kayo mommies, sineselan niyo ba si baby niyo or hindi? ?
Maselan ako sa baby ko hindi sha sakitin at weak. Ayoko pinapahalikan si lo, pag may ubo sipon na lalapit kayo lo dapat naka facemask or nag alcohol bago siya hawakan. May sarili siyang facemask bigay ng pedia nya para pag di maiwasan pumunta sa crowded places. At especially hindi ko siya pinapalawayan kesyo usog usog daw! 😝 Kaso lang iyakin siya. 😂
Đọc thêmMaselan ako sa bata talaga lahat kami kahit mga in laws ko maselan sa bata di naman dahil maselan sabi nila mas magiging sakitin yung bata mag 5 years old na yung panganay ko hindi nman sya sakitin ayaw lang namin sya masyado iexpose sa labas may mga nagyoyosi kasi na walang pakundangan yun yung pinaka iniiwasan namin usok ng yosi.
Đọc thêmHahaha Hndi nmn ako maselan. Punababayaan ko lang mag lakad.o2 sa kalsada pag natumba pababayaan ko tumayo. Pag uwi ng bahay saka ko na lilinisan Basta wag lang sya mag subo ng kung ano.o2 1yr & 3months pa lang baby ko 😊 Sa fuds kung ano kinakaen namin kakaen din sya basTa hndi masyado sa mga sweets 😂
Đọc thêmMaselan 🖐️ lalo at first baby ko, girl pa. Maingat lang ako sa pagkain, sabon sa katawan, sabon sa damit, tubig na iinumin, panligong tubig, etc. Di naman siya sakitin, pero inuunti ko siyang iexpose sa tao, paligid at pagkain.
Maselan po ako lalo na nung hanggang mag 1 year old sya. Pero after nun hinayaan ko na syang mag explore. Pero may alcohol ako at wipes so in short maselan pa din. Haha
Maselan ako sa kids ko,but i let them explore things as long as hndi naman dirty. Breastfeed ung anak ko hanggang 3 yrs old kaya malakas resistensya nya.
Never po ako nagselan nung buntis kahit hilo or suka wala po hehehe nagbubuhat panga po ako nln eh
Yun po ang sabi nila. Peo di ako naniniwala. Syempre we only want what's best for our babies
Hindi aq maselan i trust pipol around my lo
hindi po sis