work

Sa sobrang tagtag ko sa byahe ( motor) at halos 6hrs nakaupo, muntik ako makunan kung di pa ko nagpacheck up. Need bedrest at pampakapit. Bumubuka daw kasi cervix ko at gusto ng lumabas ng baby. Ask ko lang, kapag ba sinabe ni OB na okay na free to work na ulet kahit ganon pa din ang sistema ( tagtag sa byahe 6hrs nakaupo or more ) may chance ba na bumuka ulet crrvix ko? At matuluyan malaglag baby ko? ? I need advice please. Sa katapusan pa kasi check up ko. Gusto ko na bumalik sa work kasi hirap na si hubby sa pagbubudget at di naman ganon kalaki sahod nya. ? Ps. 6hrs po nakaupo sa work hindi po sa motor. Pero pagpauwe at papunta nakamotor po kame

32 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Wag kana lang po umangkas sa motor. Mahirap magsisi lalo na kung alam mo na yung cause kung bakit ka napabed rest, dapat yun ang mga iwasan mo kapag fit to work kana. Para di matuluyan mawala si baby.

since po na may issue na, better po na magdoble ingat next time para po sa inyo ni baby..hindi din po advisable na nakaupo ng straight ng matagal na oras, magmamanas po kayo...take extra care po...

Mommy need ka po muna mag bedrest kasi matatagtag kapo talaga, kawawa naman si baby kung mapaagang lalabas. Maselan po kayo pg ganyan kaya need po tlga natin mag sacrifice muna para kay baby..

Thành viên VIP

Yes as long as may go signal na ng OB mo same tayo ng case ang pinagkaiba lng commute ako. May niriseta ung OB ko at kapag sinabing bedrest bedrest talaga momsh bawal kumilos kilos as in.

Hindi nmn po nakakatagtag yung 6hrs+ na pag-upo sa work, ung byahe mo at mode of transpo (motor) nakakatagtag. Take mo lang po ung pampakapit at iwas sa mabibigat na gawain.

If may go signal na po ni OB, better siguro na ibahin mo yung mode of transportation. Baka kasi masyado maalog pag motor. Then doble ingat po talaga.

Sumunod nlng po..nsa huli po ang pag sisi.. Aanhin mo po ang maraming budget kong ung iniingatan mo ..mawala..just saying po

Bedrest po ay kain ligo higa lang gagawin mo..bawal ka kumilos sa lahat ng gawaing bahay,at bawal maglakad lakad..

Ako lagi ako nka bedrest. Kahit nka grab papasok nag b.bleeding pa den ako. Better safe than sorry mamsh.

Influencer của TAP

Pwede ka bumalik sa work pero hindi ka na pwedeng bumyahe ng naka-motor. Need mo mag-commute