Maternity Leave
Hi sa mga working mommy po, ano pong best start ng mat leave niyo? Sabi po kasi ng partner ko gusto niya by Last week ng March naka leave na ako btw April 18 po ang EDD ko, naisip ko naman po sayang kasi baka di pa lalabas non si baby gusto ko siyang makasama ng matagal na full time hehe. Any suggestion po? Pinapag file na po kasi ako ni HR. Thank you po ?❤️
Hello momsh. Ako EDD ko is nov 12. So plan ko nov 8 n last pasok ko. 9 & 10 kc sat and sunday so start sna ako ng leave ko ng nov 11. Nov 6 nagpacheck up p ako sb ni ob close cervix p, actually pumasok p ako ng nov 6 naghalf day ako s work. Kinabukasan nov 7 ng umaga may lumalabas ng prang tubig sakin, Na CS ako ng Nov 7 ng gb. Walang hilab kya cguro nakakaya ko pang pumasok 😊
Đọc thêmAko po nagleave 37weeks.. due date ko is jan.1 pero lumabas na baby ko ng dec.14 one week plng akong nasa bahay nung nanganak ako. At ang leave po nagsstart ng counting sa edd mo. Samen kase ganun then binawas nlng sa leave credits ko yung ibang days na hnd na ko nakakapasok.
Mas better po magleave 2 to 3 weeks prior before edd. Para po maprepare mo sarili mo in all aspect. Nov 22 edd ko, nov 4 ngleave nako. Btw nov 17 ako nnganak. Kase po we also have to prepare ourselves kase kakailanganin po ng ktawan nten n maging malakas while in labor.
Yung pagkaka alam ko po, start ng counting ng 105 days for naternity leave is kung when ka nanganak kasi yun naman yung bayad ni sss. If for example nag leave ka na two weeks before ka nanganak, absent kalang po nun pero hindi pa start yung maternity leave nyo po.
Bago na ngayon pwede na magleave kahit d pa nanganganak. Ibabawas sa 105 days
Hi, i think tama partner mo. Pwede kasing mapa aga ka ng two weeks sa EDD mo, so mas safe kung nasa bahay kna lang. Sakin kasi feb 2 ang due date ko pero jan 22 lumabas na si baby. Buti na lng inagahan ko ang mat leave ko. Nag start ako ng jan 16.
ako po sinakto ko na hanggang 36weeks ako papasok. nakikiusap kay baby na makayanan pa byahe hehe. para maihabol pa yung sa Philhealth ko this month. pag 37months onwards posibleng lumabas na din po si baby eh😁
Hahaha ako nga halos 9months ng di pumapasok 😅 kasama ko si baby pero walang sahod . nag report ako sa agency for mat 2 naka declare ako na bedrest 😅 mag report nalang daw ako kung kelan ako papasok ulet
EDD ko April 7, momsh. 3RD week of march sana plan ko mag file mat leave para may time to rest and prepare. Kaya lang napa-aga leave ko, this month na nag start kailangan ko kasi ma bed rest.
Kung kaya nyo pa po ng 37wks para matagal nyo makasama c baby nyo pero kelangan nyo dn tlg ng pahinga.. minsan po kase mas maaga nalalabas c baby ndi inaasahan
Depende po sau kung kaya mo pa kasi yung iba po talaga before sila mag due one month po bed rest nila para my panahon pa sila mag prepare like gamit ng baby