kailan dapat maligo after giving birth ?

Sa mga sis po dito na nanganak na ? Tanong ko lang po kung kaiLan kayu naliligo pagkatapos nyung manganak ? DAYS ? WEEKS ? or a MONTH ? ?

27 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Right after makauwi sa bahay naliligo na ko kung pwede lang sa hospital maligo kaso malamig tubig. Sa 3 anak ko di naman ako nabaliw, nalamigan o nabinat sabi lang ng matatanda yun. Nakakairita yung lagkit at init sa katawan kapag hindi ka naligo. Isa pa magpapadede ka ng bata na hindi ka tuluyang malinis? Sa ibang bansa nga sa hospital pa lang pinapaligo na nila para mawala ang mga germs at bacteria bakit kaya pagdating dito di pwede? 🤦 Buntis ako ngayon sa pang-4 at maliligo pa din ako pagkauwi kasi kung hindi mo pinapractice ang good hygiene at pag sanitize everytime na lalabas ka eh lahat na ng duming kumapit sayo ipapasa mo lang sa iba. Sa panahon ngayon dapat hindi mo na iniisip yung sinasabi ng matanda, dapat iniisip mo yung lagay ng bata.

Đọc thêm
4y trước

Agree ako dyan momsh. Although wala naman intensyon na masama ung mga matatanda sa mga paniniwala nila ganyan about sa pag ligo but I'd rather follow my OB's advice lalo na pagdating sa hygiene and for baby's safety na din. Kailangan lage tau malinis. 😊

10-15days... Para iwas malamigan ang katawan... Tried it kasi maligo after two days from giving birth..kasi sabi nila myth lng daw yung wag maligo. Etc.. Pero it happend tlga sa akin eh..araw araw aq naliligo... As in nalamigan katawan q, inatake aq..yun bamg parang di makahinga...nawawala rin naman everytime hinihilot likod q..just my experience... Sa una q anak wala akng probs nun kasi 15days jan pa aq naligo non, maligamgam pa..

Đọc thêm

Sakin 3 months bago ako nakaligo, sinunod ko kasi payo ng matatanda. Wala naman ako magagawa kasi magagalit sakin pag di ako sumunod :( kaya tatlong buwan ako nagtiis sobrang kapal na din ng balakubak ko non hAayst :'(

Siguro atleast 1 week sis. Kasi bagong panganak eh. Pero nasa sayo pa rin yan. Kung san ka mas comfortable. Yung iba kasi kinabukasan naliligo o kaya pinapaligo na.

Nung nagkaroon na ng dahon ng bayabas. Nagpahanap pa ako e. Siguro 2 weeks after giving birth. Pero nagwawash na ako ng katawan prior to taking a bath

Kinabukasan naligo na ako at naglanggas. Nsd:) dapat malinis tayo lagi kc baka mapasa germs bacteria kapag nakipagskin to skin contact kay baby.

Thành viên VIP

9days po walang ligo. Pero nagpupunas po ako everyday and hugas down there. Basta po magtsinelas ka lang pag nasa banyo para di pasukan ng lamig

5y trước

ahh .. OK po sis 😊 thanks !

sakin depende sa manghihilot e 😂😂😂kung kelan matapos ang hilot session saka lang pwede maligo.. tas dahon dahon pa 😂

Thành viên VIP

10days pagkatapos manganak jusko. haha Via NSD sabe kase ni nanay(lola ko) kaya sumunod na lang ako waley naman mawawala

1month Pinanligo Ko Mga Dahon-Dahon. Sumunod Lang Sa Mga Nakakatanda Wala Naman Siguro Mawawala Kong Sundin Diba.

4y trước

ano pong dahon ginamit nyo, mamsh?