Sa mga SAHMs po dito, binibigyan ba kayo ng allowance ni hubby? Magkano? Ako hindi iniiwanan ng pera, kung kailangan lang may bilhin para sa bahay o sa bata. Nahihiya naman ako humingi para sa kin lang...

284 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

nuon, nabuntis kasi ako before naikasal... kinasal kami 4 years old na anak namin... di ko hawak ang atm nya... di rin ako nanghihingi... kung bibigyan na ako, okay. kung hindi, okay din. Parang di ko sya ino obliga talaga. Pero nung kinasal na kami... Hanggang sa pinaka last peso ng salary and extra kita nya is binibigay nya sa akin. Sya mismo gumawa nun... Ako nag bubudget sa lahat and nanghihingi lang sya ng pambaon minsan o kung may mga gusto syang bilhin na gamit for work. Hindi ako nag bibigay ng pera para sa mga luho nya. Napag usapan namin kung gagastos sya para sa pagpapapogi ng motor nya or sa mga gala, dapat syang humanap nga extra money for that. LOL... nakakahanap naman sya ng extra money kaya no problem talaga. As for me, I work and may business din ako kaya I dont ask him for any money na pang wants ko. Bale ginagawa kasi namin, we put our income together then save money, pay expenses.. kung may extra, we discuss kung may need na bilhin. LOL pagkain lang usually hinihingi ko eh kaya not so much of a problem. Di rin ako masyadong bumibili ng anik-anik like clothes or make up.. siguro milk tea lang once every payday or request ng jobee.. mga ganun. For some husbands na ugali nilang di mag bigay, it's either they can't trust you with their money o sadyang wala pa sa isipan nila na asawa at ama na sila. Though nakakainis and nakaka stress, i.extend mo nalang muna ang pasensya mo. Sabihan mo sya sa constant expenses nyo ng anak nyo. Wag mo syang awayin o dont sound too demanding. Just let him see the whole picture bakit mo need ng money. Siguro when it comes to money para sa bata, need mo yan idiscuss... pero if gusto mong humingi ng allowance, i think loooong discussion pa yan. Mas mabuting, maghanap ka ng pagkakitaan para masustentohan mo mga wants mo. If ever di pa pwede mag work or mag biz ng kunti, be patient muna o lambingin muna si mister about it. pero siguro, not allowance. When we say allowance kasi, parang dapat weekly yan or kinsenas or monthly dapat talaga meron... siguro kung may gusto kang bilhin, isabi mo sa kanya...

Đọc thêm

ako walang allowance galing kay hubby pero pag may gusto ako, pag nagsabi ako sa kanya binibigay nya naman. pagkain lang kasi palagi ko hinihingi like mga midnight snack o milktea pero pag mga gamit ko na like makeup o mga damit nahihiya nako magsabi kasi iniisip ko na may mas dapat pag gamitan ng pera. ako na mismo nahihiya, diko nalang sinasabi. nung una naawa talaga ko sa sarili ko kasi hindi ako sanay na nanghihingi ng pera dati kasi bago ako magbaby maganda work ko tapos nabibili ko lqhat ng gusto ko at ako nagsusustento sa parents ko kaya nung nag stay at home ako parang dun ako nadepress kasi ang hirap pag wala kang sariling pera. nasanay na rin naman ako na ganun as long as napoprovide yung basic needs namin ni baby okay nako dun kasi un naman talaga ang importante. pinagpapasalamat ko lahat ng effort ni hubby tapos iniisip ko pag nakabuwelo nako makakapag work din ako at kikita ng sarili kong pera. sa ngayon tiis tiis muna. luho lang naman yan, importante eh hindi kami nagugutom at napoprovide yung kailangan namin.

Đọc thêm
5y trước

Same feeling 🙁

Ofw si hubby ko, pinadadalhan nya lang kami ng sapat na allowance namin for 1month, kasi iyon ang gusto ko 😂 may sarili syang account, dun nilalagay ang savings namin, ako din may utos nun 😂 at first ayaw nya kasi ang gusto bya join account kami,kaso ako nagdecide na wag, magastos kasi ako, at lagi dumidepende sa account namin noon pag nashoshort ako... ngayon di na ko nashoshort kasi napapagkasya ko ang padala nya.hehe.. pero lagi naman nya ko inaalok ng gastusin,magsabi lang daw lagi pag akoy nagipit.. minsan kasi may mga gastos na di kasama budget,like pagkakasakit ng anak, dagdag bayarin sa school lalo pag may event nga bata..ganun.. mabait asawa ko lalo sa finance, hindi po sya madamot.. minsan magchachat sya, "hon nagpadala ko, 10k nung isang araw ah" though may pera pa naman ako, basta matripan nya lang ba magpadala.. so ako naman sasabihin ko lang sige "sleep muna si money sa atm kasi meron pa naman kami budget"

Đọc thêm

saamin nmn dahil taong bahay ako noon pa mang single ako, ang pera lang nasa akin pang emergency, the rest sya na nag hahawak. sya na bibili ng needs nmin (foods or any necessity), bayad ng kung ano man. di naman kase ako malabas na tao. di rin ako mahilig mag bibili kahit damit o sapatos, i don't ware make ups, allergic ako sa gold and silver, ayaw ko sa maingay na lugar, kung ano ihahain kakainin ko kesyo mag delata ako araw araw no problem. saka lagi kong sinasabi sa partner ko wag kaming mag aaway ng dahil sa pera. and for me ha, ayaw kong angkinin ung pinag hirapan nya, gnun din nmn sya sakin, kahit pa sinasabi naming pareho na pera NAMIN un, still pera MO yan. di ko alam kung bakit pero siguro dahil pareho naming gusto ng simpleng buhay.

Đọc thêm

Pero ko pera ko, pera nya pang gastos nmin 😂 pero nung simula nag bakasyon ako at na buntis yung last na mga sahod ko muna pinang gagastos namin kasi nag ipon sya for my delivery at dahil na inormal ang panganganak ko, yung tira sa ipon nya pinangbibili ng gamit sa bahay since bago palang kming kasal at yung iba sa binyag ni baby ngayon na wala na akong sahod ako dapat mag bubudget kaya lng hirap ako sa 2 weeks 5k na gagastos ko sa pangkaen namin kaya nman napagdesisyonan ko na sya nlng mag budget hahaha Yoko na humawak ng pera. Bibigyan nlng daw nya ko ng 2k every sahod para pag may gusto akong bilihin at sa mga sahog sahog nlng ako. Mas ok sis na kung si hubby ang nag tatrabaho sya mag hawak ng pera. Hayaan mo sya mahirapan mag budget

Đọc thêm

ako naman po. di ako naghihingi since may work naman po ako unless kulangin ako sa budget nag aask ako. pag kaya ko ibalik binabalik ko hiniram ko. pag minsan sya na mismo nag sasabi wag ko na ibalik. re budget sa bahay, kay mama niya lang sya nag iiwan ng budget for pamalengke. then sya nag babayad ng bills, sa rent, food except dun sa pinundar naming dalawa na bagong mga orders hati kami. at ako na bahala sa mga pangangailangan ko, though pag dating sa check up and other tests, naguusap kami naghahati. kjng siko nashosjort sa budget bigayan lang kami. tumutulong pa kasi ako sa family ko. at kakaregular lang ng kapatid ko kaya di pa ako makaletgo sa kanila 😁 pero magiistart na kami magipon as magasawa na. share ko lang

Đọc thêm

Yes pero dati papo wag back 2017 and buntis ako noon sa panganay namin. pero simula nung manganak ako up to now sakin lahat ng atm nya. 2 work nya rider ng grab and food panda.. Ako nagbabayad ng bills namin, ng motor, ako nabili mga needs sa bahay sa anak namin. Pag may need sya para sa motor or mga gusto nyang bilhin nagsasabi sya sakin, Magpapaalam muna sya bago bumili pag may go signal na chaka lang 😂 . kausapin molang si hubby mo sis ganyan din ako dati, since ang perang hawak kolang eh pang pagkain kolang nahihirapan din sya lalo gabi or madaling araw sya nauwi kasi sya nagbabayad lahat ng bayarin pati pagkain at groceries sya 😂

Đọc thêm

hindi ako iniiwan money unless humingi ako pero just in case nandito money nya sa room namin, hindi nya dinadala… pero everyday binibilhan nya ko ng food na gusto ko, pagkauwi nya from work and midnight snacks. also, pag may gusto kong bilin for myself or for our daughter sinasabi ko lang na may bubuy ako hindi naman sya humihindi and binibilan nya ko ng mga gamit na gusto ko. pagdating sa things ng baby namin ako lahat nagdedecide, sya lang magbabayad hehe. madali lang kausap si hubby. lagi ako dinedate 1-3x a week, dinadala ko sa resto na gusto ko and nagwawatch kami ng cine. spoiled ako ng hubby ko super kahit inaaway ko sya minsan.

Đọc thêm

Medyo nasasad tlaga ako pag may mga hubbies na insensitive when it comes to this. Initiative na dapat niya Momsh na bigyan ka ng allowance. Di naman porket sya lang may work, sa kanya nrin lahat. Bigyan ka lang ng allowance sana if in case na may kailangan ka, emerygncy ba, pra di na sya kailanang pang tawagan or etext. 😪 ako, personally nagtataka tlaga sa mga ganito. Di ba open communication niyo Momsh? Kc kailangan mo tong e open sa kanya e. Wag kang mahiya. May karapatan ka, maliban sa obligasyon ka/kayo ng asawa mo. Hindi tlaga pde yang ganyan na tatahimik ka lang tapos deep inside nasasaktan kana.

Đọc thêm

Ask your partner po kung mabibigyan ka nya ng extra na para naman sayo, kapag sinabi nya po na yun lang talaga ang kaya nyang ibigay, better start looking for a part time job online. Mas maigi po na financially independent ang isang sahm para di nahihirapang humingi ng pera para sa sarili. Sahm din po ako, pero since kulang pa talaga sa ngayon ang sahod ni hubby dahil nagbabayad pa ng mga utang, nagpart time po ako as data encoder. Sa ganung way po, di ko lang nabibili ang gusto ko, natutulungan o naaalalayan ko pa po sya incase na mabitin ang budget nya para sa amin ni baby.

Đọc thêm