1 month pp
Sa mga cs momsh po. Normal po ba may maiwan na tahi sa sugat? Mag 2months na din po since nung nanganak ako. Natutunaw po ung sinulid pero may ilan po na di pa naaalis. Maaalis pa po kaya to mga mii?
sa 2 CS ko, natutunaw daw ang mga sinulid. after 1 month, sarado ang tahi ko, hindi bumuka, malinis tingnan. hindi kita ang mga sinulid. kaya walang sinulid na natira. may follow up check up din ako sa OB after the CS. and isa sa mga chineck nia ay ang tahi ko kung ok. hindi ka na pinabalik ng OB? sa kakilala ko, natutunaw daw ang sinulid pero pinabalik sia ng OB at ginupit daw ung sinulid sa gitna. then may natira sa magkabilang dulo, ung mga buhol, hindi tinanggal. after 2 months, napansin niang may nagtubig sa magkabilang dulo. dahil sa buhol. sia na nangtanggal ng buhol. sia na naglinis para gumaling.
Đọc thêmDalawang klase po ng sinulid ang ginagamit ng mga OB,yung isa natutunaw yung isa nman hindi kaya need ng follow up chevk up. Kung ang ginamit sa inyo ay yung natutunaw,no need to worry.
Hayaan niyo lang po,kung di po kayo komportable balik po kayo sa OB niyo at tanong niyo kung pwede tanggalin nalang.
oks lang yan akin nga inabot ng halos 1 year may natira pa kay sarap hugutin kaso natakot ako baka ma infection.
Mom of 2, Laboratory Chemist