2 Các câu trả lời

Depende naman po iyan sa kung ano ang trip nyo at sa budget na kaya at willing nyong ilaan ☺️ Yung iba, kahit na P100k budget walang problema pero kung sa akin ay upto P3k lang ang budget ko 😅 Personally nung binyag ng lo ko (2months old), naghanda lang si hubby ng 3-4 putahe at nagpakain sa family at ninong, ninang sa bahay. Nung 1st bday, ganun lang din na simple kainan with family and friends, plus cake 😅 Babawi na lng ako kapag 7yo sya, or kung magrequest sya ng bday celebration na gusto nya, until then nilalagay ko na lng muna sa savings nya. So kung balak nyo po magpa-party, best to make inquiries sa mga prospect establishment/ organizer nyo and choose one na pasok sa concept and budget nyo ☺️

1st bday and christening ng aming baby girl ay gaganapin sa mcdonalds since wala kaming place na pwedeng pagdausan dahil malayo kami sa mga kapatid and relatives ko and gusto ko din sa pinaglakihan kong place sya mabinyagan kaya we decide na mcdonalds party nalang. Nasa 50k+ ang nagastos namin kasi nagphotoshoot pa sya and kumuha din kami ng photographer actually medyo mura na yun 1st baby kasi namin sya and once a year lang naman sya mag bebirthday.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan