Rashes 😭😭😭
Rashes 😭😭 Any Recommendation po para mawala Rashes ni baby 😭 10days old po sya and ganan na po yung Nappy Area nya. niresetahan po kami ng Pedia Nya ng Cream. DRAPOLENE CREAM po yung nireseta nya kaso hindi po umeeffect sa kanya parang lumala po. sobrang naaawa na po ako. ano po kaya pwede kong gawin? pwede po ba kaya sa 10days old ang Calmoseptine? poop po kasi sya ng poop after dumede. mixed feed po sya Formula at Breastfeed po. #NeedHelpPo #firsttime_mommy #10daysoldbabyboy
Power of Prayers and Breastmilk po. Nagkaroon din ng ganyan si baby ko pero kaunti lang naman po. Every time na diaper change eh hinuhugasan ko po muna ng mabuti gamit cotton balls and water lang. Then papatuyuin po at lalagyan naman ng breastmilk ko. Tuyuin muna po ng maigi bago lagyan ulit ng lampin or diaper. Gumamit po muna ako ng washable diaper nung nagka-rashes siya ng ganyan. Salamat sa Diyos at gumaling po ng ilang araw lang 🙏🙏🙏
Đọc thêmwag nyo po muna lagyan ng diaper. need nyo po bantayan at tutukan kungiihi at dudumi si baby. lampin nlng po muna gamitin nyo. nkukulob po kase kpag diaper at mainit. nangyari po yan s baby ko nun . hindi ko muna nilagyan ng diaper lampin lng po tapos aagapan lng po agad . yun skin nga po nun nka open lngb sya tpos nka sapin lng ang lamampin s pwet. para matuyo po agad amg rushes
Đọc thêmhuhuhu kawawa naman baby.. ang sakit nyan. mommshie yung baby wipes nyu po na gamit baka sensitive si baby wag po masyadong basa ,pag ganyan tap tap lang po pagpunas para ndi masyado ma irritate yung rashes at dumami pa lalo.. pigain nyu yung baby wipes na gamit nyu or palitan nyu po ng brand, dapat may vitamin e gmit nyu para iwas rashes ,sakin gamit ko Unilove baby wipes yung may aloe vera at vitamin e.
Đọc thêmlagyan niyo po petroleum jelly at palitan niyo po kagad kapag umihi or nagpoop. Nagkaganyan anak ko nawala kagad ng 3 days. Wash niyo po muna ng warm water tsaka punasan then lagyan ng petroleum jelly yung pangbaby nabibili sa mercury drug at watsons po may pink purple at mint green po na kulay kahit alin sa tatlo. Wag niyo po lagyan ng baby powder hindi yun nakakagalin.
Đọc thêmGumagamit ka po ba mi ng wipes? Ngkaganyan din po yung bby ko una akala nmn sa diaper nya di sya hiyang pinalitan nmn pero ngka rashes p rin sya kaya pina stop ko yung paggamit ng wipes. Pg ng diaper c bby nilalagyan ko ng petroleum yung rashes nya tapos my oras sa umaga at hapon na hindi ko sya dinadiaper.. Yun lg gnagawa ko tapos ngiging ok na di na sya ni rarashes
Đọc thêmkawa naman si baby. kaya always check ang bumbum nila pag nililinisan. ang ginagamit ko petroleum jelly lang and Unilove vegan dusting powder. and mas okay na diaper yung malabot sa pwet ni baby like, huggies or Unilove airpro okay din. make sure na si din kulob yung pwetan niya, medyo luwagan mo lang ang diaper niya para na hahanginan yung bum niya.
Đọc thêmAwwwts wawa namn c baby.. kamusta na po c baby mo mi? Use lukewarm water po sa paghuhugas kay baby wag po muna kau gamit ng wipes tapos dry nyo po muna ung nappy area ni baby before suotan ulit ng diaper wag nyo na po lalagyan ng pulbos..sa baby boy ko po effective ung cetaphil gentle skin cleanser for his rashes.. sana gumaling na po c baby.👶
Đọc thêmwag po ninyo gamitan ng wipes lalo lang siya nakaka iritate.. wet cotton balls po na maligamgam na tubig panghugas niyo saka unilove na rashes cream po maganda.. mild lang sya kahit kunti lang ilagay. yan po ginamit namin sa anak ng pinsan ko yung kanya po parang paltos na pero mag dry simula nung ginamit yun or maybe d sya hiyang sa diaper niya
Đọc thêmawwww.. change your diaper, or wag muna sya mGdiaper, gamit muna ng lampin. kung nakadiaper dapat mapalitan kada 2 hours. wag ibabad si baby sa wiwi. paglilinisan, make sure na tuyo (punas at air dry) bago lagyan ng bagong diaper. balik sa pedia momsh kung di effective yung ointment. wag gagamit ng wipes- warm water at cotton balls ang panlinis
Đọc thêmaside po sa hindi hiyang sa diaper, ipacheck nyo rin kung allergic si baby sa formula kasi nabanggit nyo po na nagpopoop sya bawat dede. baby ko po kasi kaya pala sensitive ang skin at nagpopoop bawat dede eh allergic sa formula. ngayon na breastfeed na lang sya at paminsan minsang HA na formula, hindi na sya nagkakarashes at makinis na.
Đọc thêm