RESPECT MY POST PO PLS
Rashes po ba to mga momsh? Worried lg po ako 2weeks na din simula nung nag palit siya ng diaper now lg nagka ganyan 1month pa lg si baby ko
Hi mamsh! Feel ko hapdi nyan every wiwi ni lo, kasi maalat ang wiwi😔 parang kay baby ko before, grabe din kapula ung pepet nya nun, nakailang palit nako NG diaper hanggang sa naiipunan nako dito kakapalit ko, pero waley pa din.. Ang ginawa ko mi, since may tiger and friends ako dito, eq, pampers, pinaubos ko lahat un mi, sayang naman kc kung D magamit.. Anyway, ang ginawa ko po, everytime na pipisilin ko ung diaper nya palit agad kami ng palit kahit kokonte ung karga na wiwi, tska wag po kayo gagamit muna ng wipes, yan po isa sa iniwasan ko before, kasi dun yata nag trigger ung kay baby ko, kasi ung scented wipes may alcohol dw po un, kaya ang ginagawa ko po bulak at tubig un po pangkawkaw ko kay lo, mapakonting wiwi hugas agad bulak and water, tapos binubudburan ko NG polbo mi, ayun po awa naman ni Lord, umokey din po.. Ganon lng mi, pagtyagaan mo nlng ang pag palit at paghugas po☺️ sana makatulong☺️ may ilan po ako nabasa dito sa app na calmoseptine daw po, pero walang progress kay lo ko eh! Tila lalo papo namula.. Kayo po pwede nyo nmn po itry, nabibili naman po un over the counter, kung nakaka LL naman kau mi, pwede mo itry physiogel ai cream, remember po iba iba skin type NG bawat babies, kung hiyang sken pwede pong D hiyang kay lo nyo😊
Đọc thêmMag 6mos na si LO ko pero never pa nagka-rashes. Eto po ung routine ko . 1. Every time na mag poop si baby iniisprayan ko siya nung tiny buds extra sensitive diaper changing spray. Nung naubos na ginawa ko ay naghalo ako ng water, onting soap and mustela cleansing water. Yun na yung pinang spray ko sa pwet ni baby every time na mag poop siya. 2. Make sure na tuyo ang puwet ni baby after ito linisan. Para maiwasan na mag moist sa loob na pwede din mag cause ng rashes. Pwede ka gumamit ng soft tissue para idry ito, dab dab lang dapat wag kukuskusin ang pagi-dadry ung pwet ni baby. 3. Pag nakita kong may poop si baby nililinisan ko agad kahit onti lang yung poop nya. Inisip ko nalang kahit medyo aksaya sa diaper ang mahalaga nalinis agad kesa magtagal sa puwet nya. 4. Pag ihi lng pinupunasan ko padin ng wipes ung private part nya and pwet. 5. Pag napapansin ko na medyo namumula ung singit at ung pwet nya nilalagyan kona agad nung mustela barrier cream. Nawawala yung pamumula niya. Yun lang po mommy. hope na makatulong yung routine ko sa aking baby. Ps. 1st 2mos ni baby ko UniLove ang diaper na gamit niya. Pero mas nag stick ako sa Kleenfant. Maganda and affordable. Natry nadin namin Hey Tiger and Makuku pero never siya nagkarashes.
Đọc thêmipahinga mo po muna sa diaper mommy.. tyaga muna sa birdseye/lampin. at pasingawin. super uncomfortable ito para kay baby lalo na kapag may wiwi or poop. Sa first baby ko kapag napansin ko na may pamumula sa singit or sa pwet stop ko na muna sa diaper... kasi the worst might come. ung makapal na rashes. then tyaga kami sa lampin or soft tela na damit pangsapin. Ginawa ko din ung ginagawa ng late mother ko sa mga pamangkin ko kapag may rashes, maligamgam na tubig lalagyan ng malunggay leaves ipipiga sa mismong tubig then pang wash kay baby. for me effective naman. wala akong nilalagay na kung ano anong ointment kapag may rashes sya kahit ngayon na 3 y/o sya pero nasa sa inyo padin kung gagawin or hindi but for me it worked 😊
Đọc thêmipahinga nyo po muna sa disposable mommy. kung kaya niyo icloth diaper nyo po muna. may ganyan talagang bata masydong sensitive at walang.mahiyangan na diaper. kapag din po papaltan nyo ng diaper, hugasan nyo po ng maligamgam. dapat every 4hrs ang palit mommy. advice po ng pedia ng baby ko yan kaya since newborn, hindi sya nagka rashes. cloth diaper user din kami since 3 months old sya. try nyo rin mo calazin cream, effective po sa baby ko nung nagkarashes sya sa mga braso nya nung 12 days old sya pero hindi po lahat ng effective samin, ay effective sainyo. case to case lang din. better consult your pedia kung mas lalala po. ingat mommy
Đọc thêmTry mo muna mag lampin si LO pag daytime then wash mo with warm water yan. Baka sa wipes dn na gamit. Try mo din lagyan ng petroleum jelly pg nagkakaganyan mga pamangkin ko dahil napabayaan ng magulang naman ung diaper na nakababad nilalagyan ko agd ng petroleum jelly tas 2 days nawawala na ganyan nila. Next time dn po, pag magpost kayo sensitive part ng baby lagyan nyo sticker or takpan nyo po ung pinaka private part. Concern mommy lang since di natin alam at kilala mga tao andito.
Đọc thêmKindly respect the post. We have deleted offensive comments because there should not be any room for those kinds in this app. We have escalated those type of comments to the management to track the user behind the anonymous & offensive post. Let this be a reminder to help keep this community a safe space for fellow parents to ask questions. Thank you!
Đọc thêmHi you can try na ipahinga siya sa diaper use diaper cloth sa norning then sa gabi ka na lang mag disposable. Pwede din magpakulo po kayo ng dahon ng bayabas na maligamgan then yun ang ipang hugas niyo kay baby using cottonballs everytime na mag poop or wiwi siya. Tried and tested ko siya kay baby nung nagka ganyan siya. Then u can use cream (calmoseptine, mustela, diaper rash cream,) or petroleum jelly if no budget after washing para mabawasan/prevent yung rash.
Đọc thêmmomsh, sa baby ko naman kahit na hindi sya mag cloth diaper, ang ginagawa ko na lang nilalagyan ko ng enfant anti rash na baby powder kada palit syempre punasan mo muna atleast wipe it with baby wet wipes bago i apply. nung unang di ako nagamit neto nagkaka rashes din baby ko sa pwet dahil sa diaper, pero now sobrang kinis na nya at dredretso ko padin ginagamit. wag lang sobrang dami ng pag apply yung sakto lang.
Đọc thêmas a first time mom po , Yung ginagawa ko sa LO ko every changing diaper po SA Kanya , nagpapahid po AKO Ng Petroleum Gel , Khet wala po syang rashes or red SA part na Yan , always po AKO naglalagay , Pero Yung paglalagay ko po is dampi Lang at tska minimize Lang Yung dame Ng pinapahid ko po. 6months na po sya , 1beses Lang sya nag karashes Nung time na nagtatae Lang po sya.
Đọc thêmhi mommy, bukod sa pwede mo po ipahinga muna sa diaper si baby, warm water po and bulak ang ipang wash mo po sa may rashes na area. Try calmoseptine po, pero paki ask na lang din sa pedia nyo if payagan na ipahid pag super baby pa baka kasi masyado matapang pero sa baby ko isang araw lang gumaling po agad ung rashes nya sa pwet caused naman ng severe diarrhea ng antibiotic.
Đọc thêm
Mummy of 1 active magician