Rashes sa puwet

Rashes po ba to? Ano po pwede gawin? Worried na worried na ko.. 8 months palang po baby ko.. 3 days na po sya panay pupu

52 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang puwet ng baby ko ayaw mawala ang mahapdi na rashes. Parati ito na problema ng mga babies. Yung mga common na rason ay acidity. Sometimes ang mga dumi ng baby ay medyo malambot. Yung parang mga buto ng kamatis ang itsura. Malaking chance na medyo acidic ang dumi niya. Kapag yung pupu niya ay nagistandby ng medyo matagal sa diaper napapaso yung pwet ng baby at kaya nagrarashes. Kapag hinugasan mo ang pwet at sya ay umiyak dahil sa hapdi most likely nga ito na yung cause ng acidic na dumi. Ang dapat mong gawin ay kapag dumumi ay dapat tangalin kaagad ang diaper at hugasan ang pwet ng running water at sabonan ng maigi na talagang bumula. Kahit sya ay umiiyak sa hapdi ay kailangan mong pabulain dahil ang bula lang ang makakatangal ng acid mula sa dumi dahil may pagkamantikain yun at gaya ng sebo ay bula lang makakatangal. Karamihang mali ng iba ay baby wipes lang o cotton water lang ang gamit. Kung naghuhugas ba kayo ng plato, pwede ba wipes lang cotton? Di ba hindi? Dahil alam natin na ang sebo ay di natatangal kung walang bula. Diba sa mga commercial pinagyayabang nila mas mabula ang cleanser or sabon nila? Ganun rin ang tao marami tayong sebo. Kahit pawis natin ay sebo rin kaya kapag di masyado bumubula kapag pinaliguan ay dadami ang bungang araw. Ngayon sa pwedeng ipahid sa rashes na mahapdi sa pwet, maganda yung may Zinc oxide. Ang common dyan ay yung Calmoseptine at Rashfree at marami pang iba. Dok ginamit ko na yan di pa rin nawawala? I always answer baka di mo gaanong sinabonan bago mo inapply. At ang isasagot nila ay oo nga pala wipes lang gamit namin. Another is to shift ang milk tempoarily to Lactosefree milk like one to two weeks para pumorma muna ang dumi. Ganun din kasi ang lactose intolerance. Syempre kapag persistent dapat pakonsulta ninyo dahil madami pa pong ibang rason gaya ng fungus or allergy (ibang topic na naman yun). Dr. Richard Mata Pedia

Đọc thêm

nagkaganyan din baby ko nagdudugo na ... ang bilis nag rashes lang tapos ayan na .. kasi sobra nipis pa balat nila.. gamutin u muna ung poo poo nya.. kung bakit. kasi tuloy tuloy pagrashes nyan kung tae sya ng tae pa din. tapos pag nagpooop tubig at sabon tlga. tyagain. medyo warm water para di naman ginawin si baby,. khit madali araw yan wag cotton at water kng. wag din wipes. Calmoseptine po mabilis yan. may epekto agad. kinabukasan hilom n agad ang sugat nyan.. kaso pa test u na dumi nya baka may amoeba or what,.

Đọc thêm

mas worst pa jan ngyari sa baby ko kc yong taga alaga di nya chini chek yong diaper dt tym panay dumi nya kaya nbabad ang puwet awang awa ako sa anak ko kasi nbalatan ang puwet nya sa sobrang pula at ayaw mgpa galaw kasi nasasaktan umiiyak sya talaga ayong na sermonan ng asawa ko ang taga alaga kc never ngka rashes ang baby nmin pag kami ngbabantay pero sa knya nka ilang rashes nya😥 we used calmoseptine, drapolene at tiny buds lighten kasi prang ngka scar na ang puwet nya

Đọc thêm

ganyan nngyari sa baby ko. kawawa. grabe iyak nya. 1 month nagpagaling. maliban sa gamot. ipahinga mo muna sa diaper baby mo. gabi mo lang lagyan diaper. or kpg pinagdiaper mo. mejo mas malaki. pra hindi muna didikit s pwet. kung medium sya. large muna idiaper mo. then hugasan mo ng pinakuluan sa dahon bayabas kapag ng poop. wag muna wet tissue. pra mabilis gumaling. 1 month lang magaling na sa baby ko.

Đọc thêm

1. Ipacheck up niyo po si baby para sa tamang gamutan. 2. Kapag nagpoop or ihi po siya, ipang hugas niyo lang po is water at cotton. 3. Tuyuin mabuti bago lagyan ng pang ibaba. Much better if maglampin muna para mapahinga po si baby sa diaper. 4. If may ginagamit po kayong wipes, petroleum, pulbo or kung anu man.. Stop niyo na po. Kasi baka nagkaganyan si baby dahil sa nilalagay niyo pp if meron.

Đọc thêm

Cotton with warm water po ma pde din lagyan ang cotton ng baby bath soap then punasan ulit tska patuyuin ng malinis na towel wag na po mag wipes. Kung di hiyang sa zinc oxide like calmoseptine try nyo po yung mga natural nappy cream like tiny buds in a rash budget friendly din yun. Yan gamit ko kay baby kasi di din sya hiyang sa calmoseptine sa nappy area nya

Đọc thêm

3 DAYS NA PURO PUPU! JUSKO ATENG, SUGAT NA YANG PWET NANG BATA. SUGAT NA SUGAT NA PO, WAG MO TANUNGIN IF RASHES YAN, NAPAKA SAKIT NAN, IN THE FIRST PLACE 3DAYS NA PALA PURO PUPU, WALA KAPA DIN GINAGAWA? IM SORRY. NAKAKA FEEl BAD KASI. KAWAWA ANG BATA

Mommy, pa check up na po pagtatae ni baby, delikado po ang diarrhea dahil sa dehydration. Mas urgent po yun. Yang rashes madali na yan. Ok ang drapolene cream, calmoseptine etc. hugasan ng soap and water ang pwet. Tuyuin maigi. Pero pinaka urgent yung 3 days diarrhea. Goodluck mommy.

Đọc thêm

magkaka worst pang cream nilagay mo d matotuyo.. much better cornstarch po ilagay mo para mag dry.. yung sa panganay ko po ni minsan d nakaranas ng rash kc ni mix ko pulbos.fissan kunti at cornstarch kada change ko ng diaper at bago ligo at kada change ng clothes ko sa kanya...

pa.checkup niyo na po asap..f takot po lumabas meron po online consultation..kawawa po amg bata.. f mg.poops po c bb palit agad diaper, huwag nah patagalin kc nkka.cause dn ng rashes ang poops f ngtagal sa skin ni bb..d bale ng aksaya sa diaper bsta safe c bb..