SSS Maternity Claim

Question po specially sa mga nagtatrabaho or may kakilalang nagtatrabaho sa SSS. Nag file po ako ng maternity claim benefits. Miscarriage po ito. Nakunan po ako nung November, hindi ko naipasa yung mga requirements until January kasi pinaikot ikot ako nung HR namin then ngayon lang po ako nakatanggap ng balita about sa update na RETURNED daw po ang status dahil wala akong ultrasound or any medical proof na buntis ako BEFORE the miscarriage happened. Ang meron lang is yung docs na nakunan ako. Ang nangyare po kasi is hindi ako agad nakapagpacheck up dahil wala po akong pera nung time na yon. Right before ng plano kong pagpapacheck up, nagkaroon nako ng bleeding. I have documents naman saying na I was pregnant but at the same time may nakalagay na threatened abortion and not so long after that, nakunan na nga ako ng tuluyan. Pinasa ko lahat lahat ng original docs, ngayon po hinihingan ako ng ultrasound daw na proof ba buntis ako. Hindi naman ako makukunan in the first place kung hindi ako nabuntis. Ano po bang dapat kong gawin? I was advised by our HR na magpasa ng formal letter explaining what happened pero I doubt na may magagawa yun. May pag asa pa ba na makuha ko yung benefits ko? Grabe talaga dito sa Pinas. Pera mo na pinahihirapan ka pang kunin. Hanggang ngayon lubog ako sa utang sa mga pinang emergency ko tapos di ko pa ata makukuha yung benefits. Nakakaiyak na lang.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

My advise po is to follow the suggestion first of your HR to send a letter. HRs usually have direct contact sa SSS so if that's their advise, then I think you can do that for now. Then after that, maybe you can ask for their assistance to follow up SSS.