Binat Nabinat kahit 3 months na since delivery?
Question lang po. Hanggang ilang months po ba bago maging safe sa BINAT? 3 months na po ako since delivery via CS. Nilagnat po ako 2 days ago, and 4 days na din yung sakit ng ulo ko. Hanggang ngaun, yung sakit ng ulo, parang may mainit sa loob ng ulo. Tapos masakit sa may kilay, (ung part na masakit pag may sinusitis). Nagkaron na din po ako ng menses 4 days ago lang, kasabay ng pagsakit ng ulo. Lakas dn maglagas ng hair ko. Pero normal naman daw yun. So ngaun, hndi ko alam kung ano to. Kung sinusitis lang ba, or nilagnat ako dahil dinatnan na ko, or binat ba ito. 😔 Kasi kung binat, parang ang tagal naman. Thank you po sa sasagot. #advicepls

