pakisagot po
Pwede poba gumamit ang buntis ng kojic soap? 16weeks and 2days pregnant here ?
Hi. Wala ka bang OB sis? Marami nambabash kasi sayo kaya chineck ko account mo. May question ka rin before about sa pagpapakulay mo ng hair mo. Ngayon about sa paggamit ng whitening product. May question ka rin before about sa kung papalaglag mo na lang ba baby mo kasi minor ka. May I ask, gusto mo ba talaga si baby mo? I'm not judging you ha. I'm asking, kasi di mo rin nasagot yun sa thread na yun if ano gagawin mo kaya todo bash pa rin sayo mga tao. Then nagpakulay ka ng buhok (which is mukhang di mo alam na bawal, pero sana nagtanong ka muna bago mo ginawa) tapos ngayon paggamit naman ng kojic. Nothing wrong with asking, sadyang medyo naguguluhan lang siguro yung iba dahil sa mga post mo before kaya ka nababash. Anyway, bawal whitening and rejuvenating products sa buntis. Bawal din magpakulay ng hair.
Đọc thêmGaling ako sa OB ko last june 5 and natanong ko yan if bawal ba ung kojic kasi kojic ung sabon namen ng ng husband ko hehe.. sabi ng OB ko ok lang, as long as walang retinol ☺️
mag mild soap ka nalang po mommy. nun ako baby soap lang gamit ko the entire pregnancy ko. may whitening kasi yan na ingredients which may have harmful effects to your baby.
Bawal po . Pinagbawal ako ng Ob ko gumamit ng anything na my whitening. Kaya ang sabon ko lang eversince na nalaman kong buntis ako is yung dove lang momsh.
no sis because it is high in chemicals that contains harm for your baby at matapang kasi ang kojic soap you should use mild soap like dove
COMMON SENSE NAMAN MAMSH! in doubt ka nga eh.. malamang alam mo naman na hindi pwede 🙄 magkalamansi ka if gusto mo pumuti 🙄🙄🙄
BAWAL PO ang ANY WHITENING PRODUCTS. kung ayaw maapektuhan ang baby mo. Tanong ka sa Ob mo para malaman mo nagsasabi dito ang totoo.
May OB ka na ba? Your OB will advice you what s okay and not okay po. Follow what your OB tells you. Its for you and your baby.
Wag muna sis, pag kapanganak mo nlng po. Mild lng po ang pede sa buntis, tulad ng dove at johnson soap.
Tinanong ko din yan sa OB ko, okay lang naman daw. Di naman daw masama.