Antihistamine for preggy

Pwede po ba to sa preggy? Inaallergy po kasi ako haching ako ng haching ang lala po. Nag lemon water na ko’t lahat di pa rin nawawala.

Antihistamine for preggy
28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Same experience mamshie binigay din sakin yan ng isa namin OB pero mas prefer ko na hindi nalang uminom natatakot kasi talaga ako uminom ng kung ano ano mahirap na hindi dahil sa wala akong tiwala sa OB na nag bigay pero syempre mas nangibabaw sakin ung takot for my baby. Grabe sipon ko as in akala ko nung una simple clogged nose lang e hindi na din ako nakakatulog sa gabi kasi hirap na makatulog ayon lumala pero pinilit ko mag home remedies malaking tulong talaga ung more water, kalamansi juice with honey, and SUOB water with salt and vicks sobrang sarap sa pakiramdam after ko mag suob. 2x a day ko ginagawa and ngaun ok ok na ako. May clogged nose pa pero hindi na kagaya before na hindi ako makahinga

Đọc thêm

sabe ng ob ko pwede daw basta dahil sa allergy yung sipon.. kaya uminom den ako kasi grabe na sipon ko bahing ng bahing di na ako pinatutulog sa gabe lumuluha naden mga mata ko at masakit na talaga sa ilong.. pinag pray ko nalang sana walamg epekto kay baby...

wag ka na lng uminom nian momsh,ako nga kahit may allergy at ina-attake ng asthma na iwas ako kasi ayoko makuha ng baby ko ung asthma ko at baka magka conflict pa.. iwasan mo na lng ang mag cost ng allergy niyo

No. Me sinus din ako pero mas pinipilit kong tiisin kesa uminom ng antihistamine. Kahit pumayag man ob mo mi. Mas okay padin wag inum ng inum ng gamot kung di naman harmful nararamdaman. Kawawa kasi si baby.

yan din ang tanong ko sa ob ko kahapon gawa ng may allergic rhinitis ako. sabi nya mas okay if mag water therapy muna ako. as long as wala daw nararamdaman na kakaiba okay lang daw yun tiis muna mommy :)))

3y trước

same tayo ganyan din may allergy ako. sabi nmn ng ob ko Alamin ko ung nagpapatrigger nito.wala syang ibingy n reseta.

more on water lng mamsh... ako ay 2days na ngkasipon ung runny nose..hatsing to the highest level tlga... pero uminom lng po ako ng Maraming tubig ngayon ay medyo ok na po...

Thành viên VIP

Consult your ob before mag take ng kung anu anong meds mommy, mas mabuti ang natural remedies at home.

okay naman po ang antihistamines as per my ob but better magconsult din po kayo sa doctor😊

Okay lang uminom nyan momsh kaya lang nakakatigas ng poops pag nasobrahan ka 😅

Thành viên VIP

Asked your ob po mamsh bawal sa buntis ang basta basta nag ttake ng gamot po.