lab test
pwede po ba na hindi na magpa hiv test at urine test kase sobrang mahal po pala kaya yung sa diabetes na lang ang ipapagawa ko kase mas mura pa pala sya akala ko ayun yung mas mahal, yang tatlo na lang po ang kulang ko sa mga lab test e kaso hindi na keri ng budget ko.
Kung ni require ng OB mo kailangan mo gawin yun kasi ichecheck nila yan kung nagawa mo yung mga lab test mo and wala ka ligtas dyan. I tried to skip one of ky expensive lab test pero napagalitan pako. 😅 Kaya ayun nag hanap nalang ako ng mura na clinic, good thing may nahanap ako basta mag tanong-tanong ka muna kung namamahalan ka.
Đọc thêmBaka yung urine c&s pinapagawa. Mahal yun sis kaysa urinalysis pero para matrack yun kung may ibang infection ka pa kasi baka nakitaan ka sa results ng urinalysis. Pinagawa din sa akin ng ob ko yan. Medyo pricey nga. Yung HIV test naman meron sa center na libre. 😊
Isipin mo na lang mamsh na yang labtest para sainyo ni baby yan. Ndi mo pagsisisihan kung susundin mo ang OB. Me mga package sa clinic para makamura ka. Pricey nga lang tlga yung iba. Saken ndi ko inisip ang gastos. Importante malusog ako at si baby.
Sa center po libre lang ang HIV, HEPA and Syphilis Test. Kung may bayad man po for photocopy ng form if hndi available or donation para sa center lang. Need po kase yun ipakita saamin sa check up and pag nanganak. 😊
Hello there Mommy. Better go to your city office or health centers. they're now giving out free HIV screening as a campaign for HIV awareness. For the urinalysis naman, check affordable but reliable clinics around your area.
Sa center ka ng brgy. Nio Mgpunta kc ang HIV libre ng gobyerno lalo na sa buntis mkukuha mo ung result after 7months na tyan mo .. mhal tlga pg ngpagawa ka sa labas ng HIV kya ako ng tyaga ako sa center kc libre lng ..
required na kasi ng DOH yang hiv kahit alam mong wala kang hiv. and mostly important urine test sa mga public hospital ranging P90 lang yan ksi ganto sa amin. mahirap na baka may uti ka ikaw at si baby din mahihirapan.
Mura lang namn urinalysis sis i go muna yun . Tsaka sa hiv screening namn meron namng libre sa center .. Laboratory test ko nun binayaran ko nasa 650 lahat tapos yung hiv test kuna man is libre sa marikina
Wala pong nakakaligtas Sa HIV test lahat dadaan po kase hahanapan at hahanapan pa din kayo ng mga lab Test result pag isa sa mga hiv urin Hepa Hgbt Blood type papakuha at papakuha pa din kayo nyan
Try mo magpa check up sa center nyo walang babayaran and may ibibigay pa sayong libreng vitamins at bakuna.. Walang bayad dun ang hiv test at urinalysis as long as may record ka na sa kanila