Hair treatments
pwede po ba mag pa hair treatment like rebond, coloring or keratin kahit buntis? 4 months preggy here..
Tanong mo yung salon kung nag gagawa sila sa buntis ng treatment. Tatangihan ka nila ssbhin kapag kapanganak mo na lang. Pero pag breastfeeding ka alam ko bawal pa rin pa hair treatment. Kaya ako wait ko na lang mag 2 years.. padede tas.. papa hair treatment na kom hehe.
No sis. Iwas muna sa mga hair treatments. Tiis tiis muna. When I was pregnant, I stopped using nail polish, mga creams and makeup na whitening and anti-aging. I also stayed away from products na may paraben.
Pwede po basta nakalagpas na ng 1st trimester. Walang scientific study na connected sa birth defect ang hair treatment. Pero don't go too far as rebond kasi sobrang strong ng amoy nun. Kera at color pwede.
bawal mommy. all natural lang muna. makaksama sa health nyong 2. tiis ganda lang muna mommy. tska mag ayos ng hair pag 1 yr na. nka rest na yung mga nerves mo sa katawan. iwas binat din
Hindi , ako nga 2 mos. Na nang nanganak di parin pwede sabi ng mama ko 1 year padaw pwede kasi maamoy daw nung bata ung gamot , saka may effect sa bby ung ilalagay sa buhok .
Pinayagan ako ni OB mgpa rebond and hair color nung 33 weeks preggy na ako. Developed na daw kc si baby niyan, pinapalaki na Lang.
Bawal po sabi ng OB ko.. Pero may friend ako na naka pag hair color di niya alam buntis siya... Swerte at hindi na apektohan ang bata...
No sis! Bawal po ang buntis sa ganyan, pwedeng maka cause ng defecr kay baby kaya tiis tiis na muna hanggang sa manganak :)
Pwede naman pero as much as possible wag na muna malakas kasi ang chemical na gamit pwede makasama sau and kay baby.
Nagparebond ako nung 4 months preggy ako, ok naman ang baby ko 😊
Queen bee of 1 adventurous junior