five months
Pwede na po ba ang lugaw kay baby? kahit tikim lang?
mommy, pls get go signal muna ng pedia kung ready na si baby. sobrang delikado na pakainin if hindi pa siya ready. like kung hindi pa niya kaya ulo niya, or hindi pa niya kaya kasi baka ma-choke siya.
Hindi pa po mommy.. Hintay na lang po kayo mag 6 months si baby.. Tutal po 1 month na lang.. Pag nagstart na po magsolids si baby.. Forever na po siyang kakain ng solids😊 wag po kayo magmadali😊
6 months pa po pwede. Kahit nga tubig hindi pwede pag d pa 6 months, yun po bilin ni doc sa amin tsaka.. search nyu din po sa google 😊
6months po. pero kahit lugaw na po durugin nyo parin sa kutchara para di kumabag si baby.. dipa kasi talaga matutunaw yan sa kanya
Mas better po pag hintayin nyo hanggang mag 6 months for lugaw. Si baby ko nagtry ng am 2 weeks before mag 6 months.
6 months onwards lang pwede ang solid food. May gatas naman. Bakit papatikimin naman po agad ng lugaw?
Oo naman tikim tikim lang ganern baby ko nga non 4months pa lang nagstart na magtikim tikim
yes po. basta po durugin pa at wag lagyan ng asin or any spices.
6 mos. Po momsh. Then durugn po mabuti before ipakain kay baby
6mos.daw po pwede na basta yung mashy na lugaw tlga